Gaya ng sabi ni Daryl ay dumaan lang sila sa condo nito at mabilis na nagpalit ng damit saka kaagad na sila dumiretso sa ospital. Nang makarating sa ospital at pagka-park ng sasakyan ni Daryl ay agad nang bumaba ang dalaga. Hindi na niya ito hinintay, malalaki ang hakbang na tinungo ang entrance ng hospital. “Miss, may pasyente bang dinala rito na nagngangalang Federico Delgado?” tanong ng dalaga sa staff ng ospital na naka-duty sa front desk. “Yes, Ma’am. Nasa emergency room po,” tugon naman nito. “Saan ang emergency room ninyo, Miss?” “Sa whole way pa na iyan, ma’am. Kumanan lang po kayo.” “Okay. Salamat,” aniya saka mabilis na binabay ang direksyong sinabi ng staff. Wala na siyang pakialam kung nakasunod ba sa kaniya ang nobyo o hindi. Ta