“My…” Nagising si Lhianne mula sa pagkaka-idlip nang marinig ang tawag ng anak. Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay nakaupo na ito sa kama katabi niya. “Gising na pala ang baby ko? Excited ka na ba mag-swimming?” tanong niya rito. Kaagad naman nitong ipinalakpak ang mga kamay. Ryle’s really excited. Bumangon na siya at kinuha ang baon niyang black two piece bikini at isinuot iyon. Dahil sa napapa-breasfeed siya, medyo nagdagdagan ang umbok ng kaniyang dibdib. At kahit pa nanganak na siya ay na maintain naman niya ang kanya katawan. Sexy pa rin siya kung titingnan. Ang puwet na kahit pa payat siya ay natural na maumbok ay kitang-kita sa kanyang bikini. At dahil nga sa nanganak na siya ay nagkaroon ng kaunting strechmarks ang kanyang tiyan. But, she didn’t mind, she loves being a mom of