Lea Adino "Before we begin, I want to see how prepared you are for this subject," diretsong sabi ni Professor Drake Delavega Jr. matapos niyang ipakilala ang sarili bilang bagong instructor namin sa Media Ethics and Investigative Journalism. Hindi man niya ito sabihin nang direkta, pero halata ko ang nais niyang iparating—walang shortcut sa klase niya. Kailangan mong patunayan na karapat-dapat kang nasa kursong ito. Kinuha niya ang marker at nagsulat ng tatlong tanong sa whiteboard. Habang isa-isang lumilitaw ang bawat salita sa harapan namin, pakiramdam ko ay bumibigat ang hangin sa loob ng silid. 1. Ano ang ethical dilemma na madalas kaharapin ng isang investigative journalist, at paano ito dapat lutasin? 2. Kailan nagkakaroon ng limitasyon ang press freedom, at bakit ito mahalagang