Lea Adino HUMINTO ako sa tapat ng pinto ng main administration building—isang malaking gusali kung saan pumasok si Professor Drake Delavega Jr. "Pumasok ka na, Miss," turan sa akin ng isang male guard na naririto. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob. "Dumiretso ka na sa private elevator, nasa right side," aniyang muli sa akin. Tumango naman ako bago nagpatuloy sa paglalakad. Humigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng aking bag. Kumakabog ng malakas ang dibdib ko. Kinakabahan ako sa kung anumang pag-uusapan namin ni professor. Wala naman akong maisip na ibang dahilan. Pagdating ko sa private elevator ay napansin kong may isang lalaking nakatayo sa gilid nito—malinis ang uniporme, matikas ang tindig, at may earpiece sa tainga. Malamang siya ang elevator operat