CHAPTER 45: Goodbye... But Not Forever

2008 Words

NATAGPUAN ko ang sarili ko sa harap ng dalampasigan. Sinalubong ko ang malakas na hangin at sinubukang paluwagin ang bigat at sakit na nararamdaman ko. Muling tumulo ang mga luha ko sa pisngi na kaagad ko ring pinunasan. Hindi ko akalaing magagawa ito sa akin ni Drake. Pinaglaruan niya ang buhay naming magkakapatid. Sobra kaming natakot noon dahil inakala naming mawawala na sa amin ang lupa namin, pero siya lang pala ang may kagagawan ng lahat ng 'yon. Ni hindi namin alam ang gagawin namin noon sa tuwing nagtutungo doon ang taga-bangko at patuloy kaming ginigipit. Pinaikot-ikot niya lang kami. Ni hindi man lang niya inisip ang damdamin ko! Lahat na lang ng kasinungalingan ay ginawa niya! Napapikit ako, at pilit pinipigilan ang muling pagpatak ng luha. Hindi ko alam kung paano ko haharap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD