Lea Adino ALAS OTSO nang gabi nang marinig ko ang tunog ng bakal na gate sa labas. Agad akong napahinto sa paghiga at kahit may kirot pang nararamdaman sa katawan ay pinilit kong bumangon. I-ika-ika akong nagtungo sa bintana at bahagyang iginala ang paningin sa labas. Saktong inaktuhan ko ang pagpasok ni Mama. Isinara niya kaagad ang gate at tuluy-tuloy na naglakad patungo sa main door ng bahay. Walang pag-aalangan, walang kung anong kaguluhan sa kilos niya. Napakunot ang noo ko. Parang may kakaiba sa kanya. Hindi ba siya uminom? Sa tuwing umuuwi kasi siyang galing sa labas kasama ang mga kaibigan niya ay palaging may bahid ng alak ang kanyang hininga. Medyo sumusuray siya sa paglalakad, o kung minsan naman ay panay ang daldal, kahit walang kausap. Pero ngayon? Tahimik lang siya. Tuwi