Dorothea "Thea, what Rhoda and Irene did to you and Jaxx is a serious crime. This is not just a case of deception—this is a grave violation of the law and your fundamental rights. There are several strong cases we can file against them," mariing sabi ng pinsan kong si Lloyd, na isang mahusay na abogado. Pangatlo siya sa mga anak nila Tito Denver at Tita Lorna. Si Tito Denver ay nakatatanda namang kapatid ni Dad. Pinapunta ko kaagad siya dito sa bahay ngayong umaga, Monday upang malaman ko ang mga pwede kong ikaso kila Rhoda at Tita Irene. Nasabi ko na sa buong pamilya ko ang lahat nang natuklasan ko kanina lang matapos naming mag-breakfast, at maging sila ay hindi rin makapaniwala. Galit na galit sila Dad at mga kapatid kong lalaki, at gusto na kaagad um-action, pero pinigilan ko muna