Dorothea "Wala ka na bang moralidad?" tanong niya kasabay nang mas paglapit niya sa amin ni Jaxx. Ako pa talaga ang walang moralidad? Nanggigigil ako sa kanya, gusto ko siyang sabunutan at ingudngod sa lupa, pero kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko rin kailangang dungisan ang mga kamay ko para lang sa kanya. "Didn't we already clear things up last night? Are you deaf or just plain stupid?" she said bluntly. "Rhoda—" I immediately raised my hand, stopping Jaxx from saying another word. Nginitian ko si Rhoda. "Akala ko kasi ako 'yong nagpalinaw sa isip mo kagabi na wala kayong anumang relasyon ni Jaxx, kaya free siya. May anak lang kayo but there's nothing between you," I replied calmly. Muli naman siyang tumitig sa akin na tila hindi makapaniwala, at mas lalo ring gumu