Dorothea "Teacher Thea, may papakita po 'ko sa 'yo!" Bigla siyang tumakbo papasok sa loob ng playroom niya na kunektado dito sa silid niya. Nakasuot na kami ng bathrobe at katatapos lamang magbanlaw sa banyo niya. Ang daddy naman niya ay pumasok sa master's bedroom para magbanlaw at bihis na rin. I stood up and followed Jaxine into her playroom. I saw her taking something from a drawer in a small cabinet. Nakita ko ang naglalakihan niyang mga stuffed toys na maayos na nakasalansan sa isang sulok ng kwarto. May ilang unicorns, teddy bears, at isang malaking rabbit na halos kasinlaki na niya. Beside them was a bookshelf filled with colorful picture books and fairy tales. I also noticed her small table and chair, where crayons and a few of her drawings were spread out. Isa sa mga papel ay