Dorothea "Bye-bye, nanny! Babalik ka din po?!" Napangiti ako habang pinagmamasdan ang anak kong nagpapaalam sa yaya niya. Kasama nito ang dalawa pang kasambahay, bitbit ang mga bag nila. "Babalik din si nanny next week," nakangiting sagot naman ni yaya Juvy kasabay nang pagpisil niya sa baba ni Jaxine. "Take care, Nanny! Stay safe!" My daughter waved at them. "Thank you!" Lumingon din sa akin si yaya dito sa hagdan at bahagyang yumuko bago tuluyang lumabas ng bahay. "Who's leaving? Why are they leaving?!" Rhoda suddenly entered the house from the back, holding her phone. Tinanaw niya sa labas ang mga kasambahay na ngayo'y pumasok na sa loob ng kotse. Ihahatid sila ng driver sa terminal. I stepped closer to her and crossed my arms. "They're going on a one-week vacation to their pr