Dorothea "Mukhang matindi ang sama ng loob mo habang nagluluto ka, friend," ani ko kay Rhoda kasabay nang pagbitaw ko sa mga kubyertos. "It tastes so bitter." Pinagmasdan ko ang mag-ama ko sa magkabila kong tabi. Wala din silang ganang kumain. Napatingin kami kay Rhoda nang padabog niyang binitawan ang mga kubyertos niya sa plato niya at agad na tumayo. "Cook your own food!" sigaw niya bago may pagmamadaling umalis. Nagmartsa siya paakyat ng hagdan, kasunod ang malakas na pagbagsak ng pinto sa second floor. Nagkatinginan na lamang kami nila Jaxx at Jaxine bago napabungisngis. "Well, that settles it," ani Jaxx kasabay nang pagtayo niya at pagkuha sa phone niya sa sala. "I'm ordering dinner. What do you guys feel like eating? Something actually edible this time." Jaxine giggled. "Pizz