THIRD PERSON POV Biglang napabalikwas mula sa kama si Rhoda nang makarinig siya nang malakas na kalabog sa pinto na sinundan ng sunod-sunod na katok. Agad niyang binuhay ang isa pang lampshade sa tabi ng kama niya at nakiramdam sa may kadiliman niyang silid. Nangunot ang kanyang noo at agad na bumaba ng kama. Dinampot niya ang robe niya at isinuot kasabay nang mabilis niyang pagtungo sa pinto. Nakiramdam muna siyang muli sa labas, ngunit naging tahimik na kaya minabuti na niya itong buksan. May kadiliman na ring paligid ang bumungad sa kanya, at wala naman siyang nakitang tao sa labas. Ngunit muling nangunot ang noo niya nang makarinig siya nang mahihinang halinghing, na hindi mawari kung saan nagmumula. Humakbang siya palabas, ngunit napahinto siya nang sumabit ang kanyang paa sa isa