February "Ninang!" agad na sigaw ni Zaina nang makita niya kami dito sa pinto ng mansyon nila. Hanggang sa mapatingin na silang lahat sa amin. "Hi!" magiliw ko namang bati sa kanila. "Tita Feb! Tito Nixon!" sigaw din ni Zerico na gulat na gulat din. Sabay silang tumakbo ng kapatid niya palapit sa amin. Una kong niyakap si Zaina at hinalikan sa pisngi, ganundin ang kuya niya. Hindi ko na sila mabubuhat dahil malaki na ang tiyan ko. "Kumusta kayo, mga baby ko? Finally, nagkaharap din tayo sa personal!" hindi ko mapigilang bulalas sa kanila. "We're okay, Tita Feb!" sagot naman ni Zerico. "We missed you so much! You're always just on video call!" Natawa naman ako sa sinabi niya. "Yes, Ninang! But you're even prettier in person," sabat naman ni Zaina, sabay nguso sa tiyan ko. "Si baby