February "Ano? Masarap ba?" Hindi na maipinta ang mukha ng mahigit dalawang taong gulang kong anak na si Febron habang kumakain ng hilaw na mangga. Kasing asim na ng suka ang mukha niya habang nakatitig sa akin at ngumunguya. "It's super ... sour, Mommy," sagot naman niya pero isinubo pa rin ang natitirang piraso pa ng mangga sa kamay niya. Natatawa na lamang ako habang nakatitig sa kanya. "Sour nga, pero ayaw mong tigilan." "Mommy! Look! I got a whole basket of mangoes!" Napalingon naman ako sa panganay kong anak na si Nixia na ngayo'y hirap na hirap sa pagbubuhat ng isang basket na puno ng mga mangga. "That looks heavy, sweetie! Kaya mo ba?" I asked her. "Yes, Mommy! I'm strong!" she proudly replied. Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan siya. Siya naman ay apat na ta