THIRD PERSON POV "What?" Agad nagsalubong ang mga kilay ni Renzo sa sinabing 'yon ni Edward, isa sa mga tauhan niyang nananatili sa mansyon nila sa Pilipinas. Kausap niya ito ngayon sa pamamagitan ng video call. Tatlong buwan na ang lumipas simula nang lisanin niya ang Pilipinas, at ngayo’y nagtatrabaho na siya bilang Assistant Vineyard Manager sa Del Sol Vineyards, na pag-aari ng kanyang Tito Zandro, ang kapatid ng kanyang ina. Nakabase sila ngayon sa San Francisco, California. "Totoo po, boss. Apat na buwan na pong buntis si Nerisa. Nakita pa namin 'yong bitbit niyang ultrasound kanina. Sinubukan pa nga niyang itago sa amin, pero inagaw ni Cardo kaya nakita namin. Nagpaalam na po siya kay Donya Zenia. Magre-resign na raw po siya sa trabaho." Hindi kaagad nakagalaw si Renzo. Si Ner