CHAPTER 09: Romantic Revelations

2185 Words
Sa 28 years of existence ko ay ngayon ko pa lamang naranasang may humawak na ibang tao sa katawan ko. Parang tumigil ang oras, at bawat pagsayad na lamang ng tuwalya at ng kamay niyang nakakulong ngayon sa dibdib ko ang tanging nararamdaman ko ngayon. Nanatili lamang akong nakatingala at nakatitig sa kanya. Hindi ako makakilos, at hindi ko rin alam ang gagawin. Halos marinig ko na rin ang malakas na t***k ng puso ko. "D-Drake..." mahina kong bulong, na parang nawawala sa sarili. Hindi ko na malaman ang nangyayari sa akin, kung dahil ba sa init ng banyo o dahil sa init na nagmumula sa kanya. Napansin ko naman ang paghinto niya at pagtitig din sa akin. Napababa din kaagad ang paningin niya sa kamay niyang nakasakop sa dibdib ko. Unti-unting namilog ang kanyang mga mata, at kaagad na bumitaw na parang napaso ng apoy. "f**k. Damn it," mahihinang pagmumura ang narinig ko sa kanya. Bigla niyang itinapon sa dibdib ko ang tuwalya, na kaagad ko din namang nasalo. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano, pero sa huli ay hindi ko rin napigilang ngumisi. "Parang ginanahan ka pa nga sa paghawak, eh. Pinisil mo pa nga," pang-aasar ko sa kanya. Napatitig naman siya sa akin, at pinaningkitan ako ng mga mata. "At nagustuhan mo naman. Admit it, my wife, you're really attracted to me." Napaismid naman ako. "Hindi, no. Isa ka pa ring spoiled brat, childish na mayabang sa paningin ko." Ibinalot ko na sa katawan ko ang tuwalya. "Para ka lang kapatid ko." Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao niya, at paggalaw ng mga panga niya na para bang nasundot ko na naman ang ego niya. "Pero tingnan nga natin..." Mas lumapit pa ako sa kanya at tumayo ng tuwid sa harapan niya na halos magdikit na ang aming mga katawan. "Kaya mo ba talagang ipasok 'yan sa akin?" Sinulyapan ko ang ibabang bahagi niya, bago muling tumingala sa kanya at tumitig sa mga mata niya. "Kaya mo ba akong halikan sa maseselang parte ng katawan ko?" Napatitig ako sa mga labi niyang nakaawang ng bahagya. Hindi naman siya kumikilos din sa kinatatayuan niya, at nanatili lamang ding nakatitig sa akin. "You're provoking me because you want me—because you're really attracted to me. Just admit it, darling. It’s not that big of a deal, and I won’t judge you—I’m used to it." "Hindi nga. Huwag mong ipilit." Napa-eye roll ako dahil pinipilit niya talaga 'yon. Ang dami na kaagad niyang sinabi, at ang lakas talaga ng bilib niya sa sarili niya, ha. "Paano kung magawa ko?" muli niyang tanong. "Come on, tell me. What happens next? With the way you're behaving—hold on, are you still a virgin?" "Hoy!" napasigaw akong bigla sa sinabi niya, ngunit napahinto din ako nang maalala kong nasa labas lang ang kanyang ina, at maaaring marinig niya kami dito sa loob. Dinuro ko ang mukha ni Drake. "For your information, ikaw pa lang ang nakahalik sa akin. Ni dulo ng kuko ng mga lalaki dyan sa labas ay hinding-hindi pa nakakahawak sa akin." "Nagpatapik ka sa balikat kay Kuya Claude. Kitang-kita ko 'yon." "Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin," mariin kong sagot habang binibigyan siya ng matalim na tingin. "Ah, basta virgin pa 'ko. Hindi pa 'ko butas. Ikaw itong nagpapasok ng t**i sa butas ng pwet." Bigla naman siyang napanganga. "Shut your mouth." "Totoo naman, 'di ba?" pang-uusig ko sa kanya. "Nakita mo ba sa akto? Na nakapasok 'to sa loob ng sinasabi mong pwet?" "Basta, nakita kita no'ng jowa mo ring bayot. Magkayakap kayo at hubo't hubad sa kama. Eh, ano palang ginagawa niyo no'n? Nagbabato-bato pick? Nagpapalakihan at nagpapatigasan?" Sarkastiko naman siyang tumawa. "And yet, you're trying to have me put this in you, despite believing I'm putting it in the anus?" "Huh! Baka naman may sakit ka na? Nagpa-checkup ka ba muna bago magpakasal sa akin? Papayag lang akong ipasok mo sa akin 'yan kapag nasiguro kong malinis ka. Hindi porke't mayaman ka, bilyonaryo ka ay wala ka nang sakit." "I'm clean." "Kailangan ko muna nang medical result. Ayokong mahawaan mo." Kaagad ko na rin siyang nilampasan at lumabas ng banyo. Wala naman na akong narinig na sagot mula sa kanya. Napabuntong-hininga ako ng malalim sa mga naging pag-uusap namin. Mabuti na lang pala at naisip ko 'yon. Delikado kung hindi ko muna iche-check ang kalusugan niya. Pero teka, magpapagamit ba talaga ako sa kanya? Nafu-frustrate na kasi ako sa pagsisinungaling niya sa pamilya niya na buntis ako. Natatakot ako at kinakabahan sa mga mangyayari. Para bang gusto ko na lang siyang bigyan ng totoong anak para mapanindigan namin ito, at para ... well, tumatanda na rin naman ako at kasal na kami. Kung sakali man na magkahiwalay kami, pagkakasunduan na lang namin ang tungkol sa bata. Hay, ewan. Naguguluhan na talaga ako. Ang hirap mag-isip at magdesisyon na lang ng basta. Kailangan ko itong pag-isipan muna ng mabuti bago gawin. Nagtungo ako sa closet kung nasaan ang mga damit na ipinamili niya para sa akin—kung siya nga ba ang bumili ng mga ito o 'yong bayot niyang jowa. Hindi ko naman na naririnig si Mommy Juliet. Baka naman lumabas na siya. Kailangan ko nang magmadali dahil magluluto pa ako ng almusal. Naramdaman ko ang paglabas na rin ni Drake mula sa banyo. Hindi ko naman siya nilingon habang nagsusuot na ng underwear. Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin mula sa gilid ng aking mga mata. "I'll think about your offer. But are you ready to have me as the father of your child?" bigla niyang tanong, na siyang ikinalingon ko sa kanya. Ilang segundong tumitig ako sa kanya. Pansin ko naman ang bigla niyang pag-iwas ng tingin. "Dadagdagan ko ang bayad mo kung papayag ka," dagdag pa niya. "Magkalinawan muna tayo. Ano ba talaga ang plano mo? Hanggang kailan ang pagpapanggap nating 'to? Maghihiwalay din naman tayo, 'di ba? Alam ko namang hindi ka makakatiis na makasama ako ng matagal. Ipina-register mo ba ang kasal natin? Okay lang sa akin kung hindi, mas mabuti 'yon. Hindi na tayo mahihirapan pang magpa-anull." Muli siyang lumingon sa akin. Ngunit natigilan ako nang may mabanaag akong kakaibang emosyon sa mga mata niya, na parang nasaktan siya, ngunit kaagad din itong naglaho at naging blangko. "Ahm, k-kung ... gusto mong makasama 'yong jowa mo, okay lang din sa akin kung naririto siya—" Napahinto ako nang bigla niya akong tinalikuran at kaagad na lumabas ng pinto. Ibinagsak pa niya ito na kamuntik ko nang ikatalon sa gulat. "What the?" Napatanga na lamang ako habang nakatitig doon. "Galit ba siya? Nagbibigay lang naman ng opinyon, eh. Baka kasi nahihirapan siya na magkalayo sila. Feeling ko kasi dito rin 'yon nakatira at pinaalis niya lang, eh... Di pa nga niya sinagot ang mga tanong ko. Tsk. May saltik talaga." Napailing na lamang ako at muli nang ipinagpatuloy ang pagbibihis. "Pag ganito ang kasama ko sa bahay, masisiraan talaga ako ng ulo. Napakalakas ng topak niya." Matapos kong maayos ang sarili ko at makapagsuklay ay kaagad na rin akong lumabas ng silid niya at bumaba sa ground floor. Natanaw ko naman sa kusina ang mag-ina at mukhang nagtatalo na naman doon. "Why don't you just hire a maid? Kailangan niyo ng maid na makakatulong niyo sa mga gawaing bahay, especially now that your wife is pregnant. Hindi mo siya pwedeng paglinisin at paglutuin. Pregnant women also have sensitive sense of smell," naaktuhan kong turan ni Mommy Juliet kay Drake. Si Drake naman ay hinuhugasan na ang kawaling nasunog sa sink. "Mom, I’ll take care of that soon, but not right now... Right now, I want my wife and I to have some time alone in this house. I don’t want anyone else here for now. We’re still in our honeymoon phase." "And who do you expect to do all of that? Nakita mo na, kamuntik mo nang masunog itong bahay, ke-bago-bago, unang araw niyo pa lang. Hindi ka naman marunong sa mga 'yan," giit naman ni Mommy Juliet sa kanya. Parang malapit na rin akong mabingi sa kakaputak ng biyenan kong ito. Hindi lang pala sa mga mabababang uri ng tao mayroong maingay na biyenan, meron din pala sa mga mayayaman. "M-Mommy." Sumingit na rin ako sa kanila pagpasok ko dito sa loob. Napalingon din naman sila ng sabay sa akin. "H-Huwag niyo na pong pagalitan si Drake. Ahm, 'yon din naman po ang napagkasunduan naming dalawa. At saka, pasensiya na po kayo kung hinayaan ko ang anak niyo kanina na magluto. Tinanghali lang po talaga ako ng gising kanina, kasi naman po itong anak niyo." Kaagad kong nilapitan si Drake at niyakap ang braso. "Hubby, ako na ang gagawa niyan." Hinila ko siya bago muling humarap sa kanyang ina. Ramdam ko naman ang pagtitig niya sa akin. "Masyado po siyang ... malandi," mahinang turan ko sa huling salita. "Gusto po niya yatang dagdagan pa ng isa pang sanggol ang matris ko. Masyado po siyang masipag. Hindi man lang muna niya ako pinagpahinga kagabi." Nginitian ko si Mommy Juliet, ngunit tinamaan din akong bigla ng hiya at kunsensiya sa mga pinagsasabi ko. Sinulyapan ko si Drake at kitang-kita ko ang pagnganga niya habang nakatitig sa akin. Ngumiti din naman kaagad si Mommy Juliet. "Ganyan talaga kapag bagong kasal, Iha." Muli ko siyang nginitian. "Pero kaya ko pa naman po ang mga gawaing-bahay, Mommy," kaagad ko ring sagot. "Hindi naman po maselan ang pagbubuntis ko, at saka magtutulungan naman po kaming dalawa ni Drake. Kanina lang po talaga, gusto niya po yata akong i-surprise o ipagluto ng almusal dahil nga po pinagod niya ako kagabi. Siguro po, baka gusto niya akong bigyan ng breakfast in bed. Di ba po, Mommy, ang romantic ng anak niyo?" Mas lalo pang lumapad ang ngiti ni Mommy Juliet. Naramdaman ko naman ang paghawak ng kamay ni Drake sa baywang ko at pagpisil niya doon, na hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. "You're right, Iha, pumalpak nga lang," sagot naman ni Mommy Juliet, sabay ismid niya sa anak niya. "Next time, son, call your mom so I can teach you how to cook and help you surprise your wife. Pinag-aralan mo na lang sana pala muna ang pagluluto bago ka nagpakasal." Huminga ng malalim si Drake sa tabi ko. "We can manage this, Mom. Please go back to Batangas. We need some space and privacy, just the two of us." "I'll be home tomorrow because your Uncle Marcellus is arriving from his business trip. I'll pick him up at the airport and head back to Batangas together." "What?" Biglang nagsalubong ang mga kilay ni Drake sa tinuran ng kanyang ina. "If that's the case, just stay at a hotel—" "Drake!" sigaw bigla ni Mommy Juliet sa nais niyang sabihin. "Are you seriously going to make me stay in a hotel? Matitiis mo ba talagang mag-hotel pa ako kaysa manatili dito sa bahay mo na alam kong safe dahil naririto ka, na anak ko? Mother mo 'ko, baka nakakalimutan mo!" Bigla na lamang siyang humikbi. Nag-alala naman ako. "Ano ka ba, Drake?" Sinamaan ko ng tingin si Drake. Kaagad akong bumitaw sa kanya at nilapitan ang kanyang ina. "M-Mommy, okay lang po." Hinawakan ko siya sa mga braso niya at hinagod din ang likod niya. "Dito na po muna kayo. Marami naman pong silid sa taas. Mag-stay lang po kayo dito hangga't gusto niyo. Ako na po ang bahala kay Drake." Muli kong nilingon si Drake, at sinenyasan na kausapin ang kanyang ina. Pinanlakihan ko pa siya ng mga mata. Muli naman siyang huminga ng malalim. "Fine. You can stay here for the night. Iniiwasan ko lang naman, baka marinig niyo ang mga ungol ni Nikki. She’s pretty loud." Bigla naman akong napanganga sa sinabi niya. A-Ano? Siya naman ay naglakad na palabas ng kusina, ngunit iniwanan muna ako ng isang ngisi. Aba't... Ungol? Bakit naman ako uungol? Tumunghay sa akin si Mommy Juliet. "Totoo ba 'yon, anak? Malakas kang umungol? Malamang, gigil na gigil sa 'yo ang anak ko, no?" "P-Po?" Halos malaglag naman ang panga ko sa sinabi niya. "Huwag ka nang mahiya. Danas ko naman na 'yan, at ganyan talaga kapag bagong kasal. Pero, hindi ba at soundproof naman ang mga room niyo dito?" "H-Hindi ko pa po alam, M-Mommy. S-Siguro po." Lumapad naman ang ngiti niya. Hinawakan niya ako sa mga balikat. "Thank you for defending me with my son. Medyo may napapansin akong kakaiba kay Drake. This is the first time I've seen him try so hard to cook for a woman... Maybe you're right, he really does have a romantic side... Siguro ay ikaw na ang makapagpapabago sa ugali niya. Ipagpatuloy mo lang, okay? At sana ay habaan mo pa ang pasensiya mo sa kanya." Tinapik-tapik niya ako sa balikat, bago tumalikod at lumabas din ng kusina. Ako naman ay naiwang tulala sa kinatatayuan ko. May napapansin siyang kakaiba kay Drake? Hindi ba niya talaga alam na pusong babae ang anak niya? Siya ang ina kaya dapat ay siya ang unang makapansin niyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD