"Kumusta nga pala 'yong pinapatayo mo ngayong integrated school, anak? Ano nang status?" tanong ni Mommy Juliet kay Drake.
Kasalukuyan na kaming nag-aalmusal dito sa dining table. Kanina ay tinulungan ako ni Drake sa pagluluto pero tinuruan ko siya kung paano ang tamang paggayat ng mga sibuyas at bawang. Kung paano ang tamang paggigisa at pagpiprito. Matino naman siya kanina at mukhang pursigido talagang matuto. Si Mommy Juliet naman kanina ay mukhang nag-enjoy din sa panonood sa aming dalawa.
Nangunot naman ang noo ko sa tanong niya kay Drake. May ipinapatayo pala siyang school? Hindi ko alam 'yon, ah.
"Okay naman, Mom," sagot ni Drake habang nagpapahid ng napkin sa bibig. "Medyo challenging dahil nasa bundok ang location, pero manageable naman. The construction is halfway done, but I think it will take another two years to complete."
"Bakit ganun katagal?" tanong naman ni Mommy Juliet sa kanya.
"We're constructing a complete campus, Mom. It will have modern facilities, a sports complex, and state-of-the-art classrooms. Gusto ko ay world-class 'yong mga gamit at environment para sa mga estudyante. Even though it’s a big project, I’m confident it’ll be completed well," paliwanag niya. "There are a few minor delays, especially with the delivery of materials dahil nga masyadong malayo ang lugar na ito, pero inaasikaso naman ng team ko."
Bigla akong napangiti sa mga sinabi niya, at sa paraan nang pananalita niya. Parang ngayon ko lang siya nakitang seryoso, at nagulat talaga ako na may eskwalahan pala siyang ipinapatayo ngayon. Hindi ko alam, pero may paghanga akong naramdaman para sa kanya ngayon.
"Ano bang mga estudyante ang papasok sa paaralan mo, anak? Para ba ito sa mga scholars o open din sa lahat?" tanong ni Mommy Juliet, na halatang interesado sa proyekto niya.
Muli din naman akong napalingon kay Drake at naghintay ng sagot niya.
"Open ito sa lahat, Mom, pero may special program din kami para sa mga scholars, lalo na 'yong mga galing sa less privileged backgrounds. Gusto ko kasing bigyan ng pagkakataon ang lahat na makapag-aral sa magandang eskwelahan, kahit na hindi sila ganoon kayaman," sagot ni Drake, na may halong pagmamalaki. "Plano ko rin na mag-offer ng iba't ibang scholarships at grants para mas maraming makapasok."
Napatingin si Mommy Juliet sa akin at ngumiti. "Ang galing naman ng asawa mo, Nikki. Malaki ang puso ng anak ko para sa edukasyon."
Napangiti din ako, pero hindi ko mahanap ang sasabihin ko dahil nagugulat pa rin ako at hindi makapaniwala. Mas lalo pa akong humahanga ngayon kay Drake. Maging sa pananalita niya ay parang napakatalino niya at may laman. Hindi katulad nang pagkakakilala ko sa kanya, at sa madalas kong nakikita sa kanya.
"O-Oo nga po, Tita," sagot ko bago lumingon kay Drake. "Umm, ngayon ko lang nalaman na may ipinapatayo ka pa lang school, at nakakahanga lalo na 'yong ... mga layunin mo."
Kaagad ding gumuhit ang ngiti sa mga labi niya habang nakatitig sa akin. "Gusto ko rin sanang makita mo 'yong lugar minsan. Baka may suggestions ka kung paano pa mapapaganda ang environment para sa mga bata," aniya naman sa akin.
"A-Ako?"
"Yeah. You’re my wife, after all. That means you’re entitled to voice your opinion. Everything I own is yours now. From now on, everything I have belongs to you."
Napahinto ako sa mga sinabi niya. Tila mas lalo pa ako ngayong naputulan ng dila. Mabilis din ang t***k ng puso ko sa mga sandaling ito.
Ano ba 'to? Kasama din ba ito sa pagpapanggap niya? Parang ang hirap na kasing maniwala dahil nasa sitwasyon kami ngayon nang pagpapanggap at pagsisinungaling sa pamilya niya. Pero bakit parang nakikita ko ang kaseryosohan sa mga mata niya?
Napakagaling naman talaga niya, pwede na siyang bigyan ng FAMAS Award.
"He's right, Iha," sagot ni Mommy Juliet, na ikinalingon naming muli sa kanya. Nakaplaster sa mukha niya ang matamis na ngiti. "Minsan, sa mga simpleng bagay na tulad ng mga opinyon ng asawa, nagiging mas magaan at mas maganda ang mga desisyon. There's nothing wrong with giving suggestions; you might even help him... Anyways, hindi na ako makikisali dyan dahil kayang-kaya niyo na 'yang dalawa." Dinampot niya ang baso ng tubig at uminom.
Muli akong lumingon kay Drake. Nagtataka pa rin ako kung paanong napunta siya sa linya nang pagma-manage ng isang integrated school, gayong Accountancy ang tinapos niya. Ang integrated schools ay mga paaralan na nag-aalok ng tuloy-tuloy na edukasyon mula sa mababang antas tulad ng kindergarten at elementary, patuloy sa high school, at kadalasan ay hanggang sa college o tertiary level. Sa ganitong sistema, ang mga estudyante ay maaaring magpatuloy ng kanilang pag-aaral sa loob ng iisang institusyon sa iba’t ibang antas ng edukasyon.
Kung sa akin pa siguro, nababagay 'yon dahil Education ang tinapos ko. Wala nga lang akong pampatayo ng school. Hindi ko rin nagamit 'yon dahil may kababaan ang sahod at mas malaki ang sinasahod ko noong nagtatrabaho pa ako kay Dave. Bukod doon ay pinag-aaral ko pa dati ang mga nakababata kong kapatid, at nakadagdag pa nga ang pagkamatay ng mga magulang namin at pagkakasanla ng lupa. HIndi sasapat ang sasahurin ko bilang teacher kung ipu-push ko 'yon.
Kaya ngayong nalaman kong nagpapatayo pala si Drake ng school ay kakaibang lukso ng dugo ang naramdaman ko. Parang bumalik sa sistema ko ang kagustuhang makapagturo ng mga estudyante. Hindi ko alam kung alam na ba ni Drake ang kursong tinapos ko dahil hindi naman siya nagtanong sa akin dati.
Muli ko na lamang siyang nginitian. "S-Sige, sasama ako kapag pupunta ka doon, at kapag kailangan mo na ang opinyon ko," sagot ko na lamang sa kanya. May kakaibang excitement akong nararamdaman ngayon sa dibdib ko.
Muli din naman siyang ngumiti, at nagpatuloy nang muli sa pagkain.
***
MATAPOS naming kumain ay hinayaan ni Mommy Juliet na si Drake ang maghugas ng mga plato at hinila niya ako patungo sa indoor garden para busisiin ang mga halaman dito. Marami siyang kwento sa akin at suggestion tungkol sa mga magagandang halaman na naghahatid daw ng swerte sa bahay at sa buhay ng pamilya.
Nag-suggest siya sa akin na maglagay ng money plant sa sala dahil daw sa dala nitong swerte at positibong enerhiya. Ilang beses naman kaming nagugulat dahil sa mga bagay na ilang beses bumagsak at nabasag sa kusina.
"Anak! Bago ka matapos sa paghuhugas dyan, siguradong ubos na ang mga plato at baso niyo!" sigaw sa kanya ni Mommy Juliet.
Nag-alala naman ako dahil sa bukod sa mauubusan kami ng mga gamit sa kusina, baka masugatan din ang mga kamay ni Drake. Alam kong hindi siya sanay sa ganito. "Ah, Mommy, t-tutulungan ko na lamang po muna si Drake," ani ko sa ina niya.
"Hayaan mo siya. Hindi siya matututo kung palagi siyang tinutulungan. After all, it's his idea not to hire a maid, right? Let him handle it, sweetheart. He has plenty of money to manage things."
Hindi ako nakasagot sa mga sinabi niya. Nag-aalala pa rin ako, pero wala naman akong magawa. Lumingon lang sa amin si Drake pero hindi sumagot. Nakita ko ang pagsimangot niya. Bigla naman akong natawa.
“Bumili ka ng mga magagandang vase,” sabi ni Mommy Juliet habang tinitingnan pa rin ang mga halaman sa paligid. “Dapat kasi hindi lang maganda ang halaman, pati ang vase, importante rin. Maganda ang mga ceramic vases—simple lang pero elegante, perfect para sa living room. Tapos, kung gusto mo ng modern na vibe, maganda ang mga glass vases. Iwasan lang na masyadong malaki ang vase, kasi mas maganda kung may balance sa laki ng halaman at vase."
Tumango-tango ako sa sinabi niya. "Opo."
“Pwede ka rin maglagay ng terra cotta pots para sa mga indoor plants, lalo na ‘yong mga medium to big size na halaman. Natural ang kulay ng mga 'yon at nakakabagay sa kahit anong tema ng bahay. Para naman sa mga maliliit na halaman, maganda ang porcelain vases na may eleganteng disenyo. Minsan kasi, ‘yong simplicity ang pinakamagandang tingnan.”
Muli akong tumango kahit hindi gaanong pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi niya.
“Kung gusto mo ng something more stylish, maganda ring maglagay ng concrete or marble vases. Eleganteng tingnan at matibay pa.”
"Opo. Sasabihin ko po 'yan lahat kay Drake, Mommy, para makapagpa-deliver kami at maplano ng maayos."
Marami pa siyang mga kwento at suhestiyon sa akin. Nilibot din namin ang labas ng bahay hanggang sa makarating kami sa likurang bahagi kung nasaan ang malaking pool. Hanggang dito ay marami pa rin siyang puna at suhestiyon. Hindi na nga yata siya nauubusan ng ideya.
Maghapon din siyang salita nang salita. Hindi talaga siya madaldal. Manang-mana talaga sa kanya si Drake.
Si Drake naman ay maghapon ding nakasimangot habang tinatanaw-tanaw lamang kami. Tila ba inip na inip din siya sa buong araw na ito na naririto ang kanyang ina. Kulang na lang ay ipagtabuyan niya ito.
***
SUMAPIT ang gabi at natapos na rin kaming mag-dinner. Hinatid na ni Drake si Mommy Juliet sa magiging silid nito. Ako naman ay naririto na rin sa silid niya at hindi mapakali. Katatapos ko lamang maligo.
Uupo ako sa kama, tatayo at lilipat naman sa sofa. Tatayo ulit at hindi na malaman kung ano ang gagawin.
Malakas din ang kabog ng dibdib ko ngayon. Hindi ko kasi alam kung saan ako matutulog ngayon.
Halos mapatalon naman ako sa gulat nang biglang bumukas ang pinto at pumasok na si Drake. Mas lalo pang lumakas ang t***k ng puso ko ngayon, na halos marinig ko na.
Napatitig naman siya sa akin na tila nagtataka. "What?" Napansin niya yata ang reaksyon ko. Isinara na niyang muli ang pinto. Lumibot din ang mga mata niya sa kabuuan ko, pero kaagad din siyang nag-iwas ng tingin.
"Umm, tulog na ba si Mommy?" tanong ko sa kanya.
"Not yet. She said she's going to take a bath first."
"Ganun ba?"
"Why?" Hinubad niya ang t-shirt niya at naglakad patungo sa direksyon ng banyo.
"Eh..." Napakamot ako sa tainga. Iniwasan ko ang tumitig sa katawan niyang mapanukso. "Lilipat ako do'n sa kabilang room kapag tulog na siya."
Napalingon naman siyang muli sa akin at tumitig ng malalim. Hindi kaagad siya sumagot.
"Hindi mo naman ako hahayaang matulog dyan sa kama mo, 'di ba? Baka bigla kang masuka," ani ko sa kanya.
"You can't sleep in another room. Mom often gets up in the middle of the night or even early in the morning. She always checks on me in my room whenever we're home together. So, there's no other option... you'll have to sleep in the bed with me." Muli siyang tumalikod at tuluyan nang pumasok sa banyo.
Ako naman ay naiwang tulala dito sa kinatatayuan ko. Napalingon ako sa malaki niyang kama. Magtatabi kami dyang matulog?
Napabuntong-hininga ako ng malalim. Kunsabagay, malaki naman 'yan at napakaluwag para sa aming dalawa. Hindi naman siguro siya malikot matulog at lalong hindi naman ako, no. Maghaharang na lang siguro kami ng mga unan sa gitna kung talagang 'di niya ako kayang makatabi. Pwede rin namang sa sofa na lang siya matulog.
Kaso, hindi siya kakasya dyan dahil masyado siyang mahaba. Kung ako naman? Hindi ako magiging kumportable dyan.
Haay. Napabuntong-hininga na lamang akong muli ng malalim.
Nilapitan ko na ang kama at inayos ang mga unan. Apat ang mga unan niya kaya ang dalawa ay inilagay ko sa gitna. Napansin kong walang kumot. Naalala kong dinala ko nga pala sa laundry basket ang kumot niya kanina dito.
Minabuti kong magtungo sa closet at hinanap dito ang kinaroroonan ng mga comforter. Naririnig ko ang lagaslas ng tubig sa loob ng banyo. Baka naliligo din siya.
Nakita ko rin naman kaagad ang mga kumot sa dulong bahagi. Kaagad akong kumuha ng dalawa. Tig-isa na lang kami para hindi kami mag-agawan. Inilabas ko sila at dinala sa kama. Umupo ako sa gilid at naghintay. Nakaligo naman na ako at suot na ang isang magandang nightdress na kasama sa mga pinamili niya.
Medyo manipis ito at hating-hita ko lang ang haba. Wala akong choice dahil walang pajama set akong makita. Kaya kailangan talaga naming magtig-isa ng kumot.
Medyo matagal pa yata si Drake sa banyo kaya minabuti ko nang mahiga sa tabi ng kama at nagkumot. Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon. Kinakabahan ako na hindi ko malaman. Hindi ko pa naman kasi nararanasan sa buong buhay ko ang matulog na may katabing lalaki! At isang Drake Delavega pa. Pero hindi naman talaga siya lalaki kaya wala naman akong dapat na ipag-alala.
Hindi nagtagal ay narinig ko na ang pagbubukas ng pinto ng banyo. Hindi ko naman na isinara ang pinto ng closet, pero hindi ko rin siya makikita sa loob dahil sa posisyon nitong kama. Kaagad kong itinaas ang kumot hanggang sa leeg ko. Mas lalo pang lumakas ang t***k ng puso ko ngayon.
Shit. Heto na nga. Bakit ba ako kinakabahan? Tsk.
Naghintay pa ako ng ilang sandali. Hanggang sa 'di nagtagal ay lumabas na nga siya mula sa walk-in closet na nagpupunas pa ng basang buhok at humahalimuyak ang bango ng ginamit niyang sabon at shampoo.
Kaagad ring nagtama ang aming mga mata. Pero napansin ko ang pangungunot ng noo niya. "What is that?" tanong niya. Sinulyapan niya ang mga unan na nakahilera sa tabi ko.
"H-Harang?" may pag-aalinlangan kong sagot.
Bigla siyang ngumisi. "Parang takot na takot ka naman sa akin niyan."
"Hindi, no. Baka lang kasi masuka ka sa akin." Kaagad ko siyang sinimangutan.
Naglakad siya palapit sa akin. Nakasuot na siya ng pajama, at topless na naman. Ngunit biglang namilog ang mga mata ko nang mapansin ko ang malaki at mahabang bagay na nakabukol sa harapan niya ngayon, na para bang wala siyang suot na panloob.
"T-Teka, b-bakit parang galit na 'yan?" tanong ko sa kanya. Kakaibang kilabot ang naramdaman ko ngayon sa katawan ko.
"Ang alin?" tanong naman niya habang inaalis ang mga unan sa tabi ko.
"B-Bakit mo inaalis 'yan? Dyan lang sila." Kaagad ko din silang inagaw mula sa kanya at niyakap ng mahigpit.
"You can't place them in the middle. If Mom checks on us, she'll definitely get suspicious."
"Eh—"
"No more buts." Muli niyang inagaw sa akin ang mga unan at inihagis sa sofa.
Wala na akong nagawa. Napalunok na lamang ako habang napapatitig sa nakabukol niyang alaga sa pajama niya.
"Subukan na nating magtabi ngayon, kung kakayanin ko, before we start making a baby," aniya bago pinatay ang mga ilaw sa kisame.
Bahagyang dumilim ang buong paligid, at mga lampshade na lamang ang natirang bukas.
"T-Teka, s-sabi ko kailangan ko muna ng medical result bago mo ipasok sa akin 'yan, 'di ba?" kinakabahan kong sabi sa kanya.
"Sinabi ko bang ipapasok ko kaagad? Susubukan muna kitang kainin, kung kakayanin ko. Siguraduhin mo lang na masarap ka." Kaagad na rin siyang sumampa sa kama.
"H-Huh?" Ako nama'y mas lalo pang kinabahan sa huling sinabi niya.
A-Ano? K-Kakainin niya ako?
Cannibal ba siya?