NAHIGA na rin siya sa aking tabi. Ang isang kumot na para sa kanya ay inihagis niya rin sa sofa kasama ng mga unan, bago niya hinila ang sa akin. "M-Makiki-share ka rin?" kinakabahan ko pa ring tanong sa kanya. "Ano ba dapat?" tanong niya habang nakatitig sa akin. Kahit may kadiliman ay nababanaag ko pa rin ang kakaibang enjoyment sa kanyang mga mata. Para bang natutuwa pa siya sa nakikita niyang kaba sa anyo ko at mga reaksyon ko. "Paano natin sisimulan ito kung magsasarili ka ng kumot?" Ipinagpatuloy niya ang paghila sa kumot at itinakip sa ibabang bahagi ng katawan niya. Halos dikit na dikit na rin siya sa akin bagama't nakasandal pa sa headboard ng kama. Ako naman ay nakatingala sa kanya. "Eh, kasi..." Hindi ko malaman ang sasabihin ko. "What? ... Wasn’t it your idea to make t