Darcy "You're so beautiful..." Napangiti ako ng malaki matapos itong sabihin ni Tita Alisa, matapos din niyang lagyan ng lipstick ang mga labi ko. Naririto na kami ngayon sa silid niya at ibinigay ko na sa kanya ang mga regalo ko. Tuwang-tuwa naman siya. Para siyang batang binigyan ng candies, ang mga mata niya ay kumikinang sa saya. "Talaga po?" Gumala ang mga mata niya sa kabuuan ng mukha ko. "Kulang pa..." She reached for her makeup palette on the bedside table. She opened it and carefully examined each colour as if searching for the right shades for me. Tumunghay siyang muli sa akin at tila sinusuring muli ang mukha ko. Napalingon naman ako kay Zayden na kakalabas lang ng banyo at nagpupunas na ng basa niyang mga kamay gamit ang malinis na towel. Wala na ang mga dugo doon. Nak