CHAPTER 109: Lihim sa Anino ng Transaksyon

2586 Words

THIRD PERSON POV UMAALINGAWNGAW sa buong farm ng mga Montclaire ang sunod-sunod na putok ng baril mula sa matibay na grip ni Zavier Montclaire. Ang bawat bala ay tumatama sa mga itinakdang target, kasabay ng matigas niyang anyo—walang bakas ng panghihinayang o pag-aalinlangan sa bawat pagkalabit ng gatilyo. Tadtad ng mga pasa at sugat ang kanyang mukha, patunay na dumanas siya ng matinding sagupa kamakailan lamang—mga latay mula sa sariling anak niyang si Zayden. Isang malalim na hiwa ang natatakpan ng bandaid sa tapat ng kilay niya, habang ang namamagang pisngi niya ay nagsasaad ng galit na hindi pa humuhupa. Sa kabila ng mga marka ng pananakit, nananatili pa rin ang tikom ngunit mabagsik na anyo ni Zavier Montclaire. Ang lalim ng kanyang tingin ay tila nagbabanta ng panibagong sigalot.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD