Lea Adino PINAGBUKSAN niya ako ng pinto sa front seat at inalalayan pang makapasok sa loob. Pagkaupo ko sa loob ay agad kong naramdaman ang kaibahan ng temperatura. Sa labas ay ramdam ang malamig na simoy ng hangin mula sa kabundukan ng Tanay, Rizal. Pero dito sa loob ay mainit-init ang hangin, at bahagyang pinapawi ang ginaw sa balat ko. Malambot ang leather seats na agad kong naramdaman sa ilalim ng pang-upo ko. Malinis at elegante ang loob nitong sasakyan, walang kahit anong kalat, at halatang iniingatan ito nang husto. Ang dashboard ay sleek at modernong may soft ambient lighting na nagbibigay ng tahimik at misteryosong ambiance. Sa gilid ay may isang mamahaling wristwatch na tila hinubad niya kanina, at isang bottled water na parang kanina lang binuksan. Hindi nagtagal ay pumasok n