THIRD PERSON POV Sa loob ng study room ay nakaupo si Zayden sa tapat ni Darcy, pero imbes na nakatutok sa mga notes at libro sa harapan niya, ang mga mata niya ay nakapako sa dalagang seryosong nagbabasa. May pilyong ngiti sa labi niya habang hinahayaan lang na dumaan sa kabilang tainga ang mga sinasabi ni Darcy tungkol sa lesson nila ngayong gabi. "Zayden, nakikinig ka ba?" tanong ni Darcy nang mapansing wala siyang reaksyon. Ngumiti lang si Zayden at sumandal sa upuan, saka marahang pinagkrus ang mga braso sa dibdib. "Of course, baby. I’m a very attentive student … lalo na kapag ikaw ang nagtuturo." Napairap si Darcy. "Good. Then let’s start. Our topic for tonight is negotiation skills—" "Hmm… interesting," bulong ni Zayden kasabay nang pagtukod ng siko sa mesa at pagtukod ng baba