Darcy SA MGA SUMUNOD na araw ay palagi nang present si Zayden sa klase ko. Bagama't puro kalandian pa rin ang ginagawa niya, may mga pagkakataong nagseseryoso rin siya—lalo na kapag tinatanong ko na siya. Hindi man niya sabihin nang direkta, pero halata namang may effort siyang intindihin ang mga leksyon. Of course, his usual request for a "reward" for every correct answer he gave was still there, na idinadaan niya sa chat box. Sa tuwing nagkakaroon kami ng study session sa hapon hanggang gabi, hindi kailanman lumilipas ang isang oras nang hindi niya ako nilalandi. Sometimes, he would gently press his knee against mine, pretending it was accidental. Other times, bigla na lang niya akong yayakapin mula sa likod, claiming he was tired and needed a "motivational hug." But despite all that