Darcy PAGPASOK ko sa loob ng mansion namin ay hinanap ko kaagad si Mommy. At nakita ko siya sa kusina habang kinakausap ang mga kasambahay. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit mula sa likod niya. "Anak, kararating mo lang ba?" Ramdam ko naman ang gulat niya. "Kumain ka na ba?" Agad niya akong hinarap pero nagpatuloy ako sa pagyakap sa kanya, at hindi ko mapigilang maging emosyonal. "Ano'ng nangyayari? Umiiyak ka ba?" Hinawakan niya ang pisngi ko at itinunghay sa kanya, kaya nakita niyang may luha talaga ako sa mga mata at sinisipon na rin ako. Agad na lumarawan ang pag-aalala sa mukha niya. "What happened? Why are you crying? Did someone hurt you? Binasted ka ba nang niligawan mo?" "Mommy..." Agad naman akong napasimangot. "Feeling niyo naman, ako ang nanliligaw sa mga lalaki." Nata