Nihann Kitty Delavega NAPABUNTONG-HININGA ako ng malalim nang matanaw ko na ang pagbaba ni Vic Palma Adino mula sa kotse ng anak kong si Jr. na siyang sumundo sa kanya. Pero wala ang anak ko at tanging mga tauhan niya lang ang inutusan niya. Kasalukuyan kaming naririto ni Drake sa Delavega Sierra Luxe Resort na pag-aari ng pamilya namin, at dito kami muling maghaharap ni Vic matapos ang 35 years naming hindi pagkikita. Kagabi ay nasabi nang lahat sa amin ni Jr. kung anong buhay mayroon ngayon si Vic Palma Adino, pati na rin ang palihim niyang pagbibigay dito ng trabaho. Wala pa rin akong tiwala sa kanya, lalo na't nalaman kong sira ang buhay nito noon pa man, hindi pa man namamatay ang asawa nitong si Leo Adino. Pero ayon kay Jr. sa loob ng isang linggo nitong pagtatrabaho sa Mounta