Lea Adino KINABUKASAN, pagkatapos ng klase ay hindi na muna ako pinapasok ni Drake sa opisina. Dalawang babae ang inutusan niyang isama ako sa mall. Pagdating doon ay dumiretso kami sa isang high-end na salon at spa. Isinalang nila ako sa isang facial treatment na naglinis at nag-refresh sa aking mukha. Sumunod ay ang pag-aayos ng buhok ko. Nilinis nila ito, ginupit nang bahagya, at inayos sa isang eleganteng istilo. Nilagyan din nila ito ng soft highlights na siyang nagbigay ng bagong buhay sa aking hitsura. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin. Napakaganda nang ginawa nila. Parang nag-ibang tao tuloy ako at bagay na bagay sa akin. Ang dating simpleng itsura ko ay nagmistulang elegante at mas sophisticated ngayon. "Bagay na bagay sa inyo, Ma'am.