Ingrid "Ano pong nagustuhan niyo kay Mama?" tanong ko kay Tito Kendrik habang nakatulala sa kawalan. Naririto kami ngayon sa maliit na balcony ng silid ni Mama. Gabi na at malamig na ang simoy ng hangin. Dito rin kami naghapunan, sa maliit na mesang naririto. Labahan ko ang lugar na ito, at hindi nawawalan ng mga nakasampay na damit. Pero ngayon ay malinis na. Naayos ko nang lahat ang mga gamit naming hahakutin bukas. Tanging dalawang silya at lamesa na lamang ang naririto ngayon. "Nagustuhan ko sa mama mo?" mahina niyang tanong. Nakikita ko rin mula sa gilid ng mga mata ko ang pagtulala niya rin sa kawalan. "One of the things I admired most about her was how honest she was… Unang paghaharap pa lang namin ay sinabi na kaagad niyang may anak siya... She wasn’t like others who try to h