Ingrid Narinig ko na lamang ang paghilik niya sa leeg ko. Mas lalo ring bumigat ang katawan niya sa ibabaw ko. Ramdam ko ang bigat ng bawat hininga niya, pati ang init ng katawan niyang nakadagan at nakayakap sa akin. Nalalanghap ko din ang bango niya. Napakagat-labi ako. Pakiramdam ko ay nangangapal ang mga ito ngayon, at parang nadadama ko pa ang malambot at mainit niyang mga labi na kanina lang ay siniil ako ng mapusok na halik. Mabilis pa rin at malakas ang t***k ng puso ko. Hindi ko inasahang gagawin niya 'yon, pero hindi ko rin alam kung bakit hindi ko magawang magalit. May kakaiba akong nararamdaman sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag, at bago lang ito sa akin. Sinubukan ko siyang itulak, ngunit masyado siyang mabigat. Lumalakas na ang hilik niya sa leeg ko, at nakikiliti ako