THIRD PERSON POV Nagkaroon ng pribado at tahimik na burol si Andrea sa loob ng isang maliit ngunit maaliwalas na chapel sa loob ng memorial park. Puno ng puting bulaklak ang paligid ng kabaong—mga liryo, rosas, at orchids—na tila sumasalamin sa kabutihan at katahimikan ng kanyang puso. Ilang piling kaibigan, kamag-anak, at malalapit na kakilala lamang ang naroon. Kabilang sa mga nakiramay ang marami sa angkan ng mga Delavega—angkan ni Kendrik Delavega. Nasa unang hilera si Ingrid, maputla, tahimik, at tila wala sa sarili. Hawak-hawak niya ang puting panyong basa na ng luha habang katabi si Kendrik na tahimik lang na nagbabantay at sumusuporta, bagama't nagdadalamhati rin ang puso sa pagkawala ng nobya. Sa kanyang puso ay buo na ang pasya niya, na hindi siya titigil hangga’t hindi niya n