Ingrid Nagising ako sa mabango, ngunit may katigasan na unan na yakap ko. Pagdilat ng aking mga mata, saka ko lang napagtantong hindi pala unan ang niyayakap ko ... kundi si Sir Kendrik. Ganun na lamang ang pamimilog ng mga mata ko, lalo na nang mapansin kong hindi ko silid ang kinaroroonan namin ngayon. Malawak ito, malinis, at halatang pagmamay-ari ng isang taong may maayos sa buhay. Bigla kong naialis ang kamay ko mula sa lalaking ito, na siyang dahilan kung bakit nawala sa akin ang ina ko. Muling bumalik sa dibdib ko ang magkahalong sakit at galit na nararamdaman ko. Agad akong bumangon, ngunit kamuntik na akong bumagsak nang bahagyang umikot ang paligid ko. Napansin kong iba na rin ang suot kong damit. Napatulala akong bigla at pilit inalala ang nagdaang gabi. "A-Ano'ng... S-Sin