Ingrid "Come on, bago pa lumamig ang pagkain," tawag na niya sa akin. Ayoko sanang kumain, pero nalanghap ko ang amoy ng pagkain—mainit, malasa, at parang may dalang kaunting ginhawa. Napakapit ako sa tiyan ko nang marinig kong kumalam ito. Totoo ngang hindi pa ako kumakain nang maayos buhat pa noong araw na maaksidente si mama. At isang linggo na ang nakalilipas nang mangyari 'yon. Dahan-dahan na akong naglakad palapit sa kanya. "Have a seat here," aniya habang nakahawak sa sandalan ng isang single sofa. Nag-aalinlangan man pero sinunod ko siya. "Is it okay if I join you?" tanong niya. Marahan akong tumango. Mukhang sinadya din naman niyang damihan ang pagkaing dala niya, at nakahayin na silang lahat sa mini table. Naupo na rin siya sa isa pang sofa at hinarap ito. "How are