ILANG MINUTO pa ang lumipas bago bumukas ang pinto. Lumabas si Drake na pawisan at parang napagod. Napatitig din siya kaagad sa akin. "O-Okay ka lang? S-Sumakit ba ang tiyan mo? Nahirapan ka ba?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. May munting kaba at pag-aalala akong naramdaman para sa kanya. "I'm fine," kalmado naman niyang sagot, kasabay nang pagsilay ng munting ngiti sa mga labi niya. "Pwede mo ba akong punasan?" Bahagyang bumuka ang mga braso niya sa harapan ko. Nakita kong maging ang leeg niya at dibdib niya ay tumutulo na rin ang mga pawis. "O-Okay, sandali." Kaagad ko siyang tinalikuran at kumuha ng isang malinis na towel sa closet. Muli rin akong bumalik sa kanya at inumpisahan siyang punasan mula sa leeg, mukha hanggang sa dibdib. "Marami ka bang sinuka? Narinig kasi kita, eh.