"My dear, make sure to take care of yourself, alright? Tandaan mo, hindi lang sarili mo ang iisipin mo na ngayon, pati na rin ang baby niyo. Eat well, get enough rest, and don’t overwork yourself," ani Mommy Juliet sa akin bago bumaling kay Drake. "Drake, don’t forget what I’m telling you." Naririto na kami ngayon sa labas ng bahay at sasakay na lamang siya at lahat sa kotse ay marami pa rin siyang tagubilin sa aming dalawa. "Oo na, Mom. Don’t you trust me?" sagot ni Drake habang napapakamot na naman sa ulo. "Huwag mong pababayaan ang asawa mo. You’re in charge of everything while she’s pregnant. Prioritize your family over work, okay?" "You’ve said that a hundred times," bulong ni Drake. Pa-simple ko naman siyang siniko sa tagiliran. "Kung may problema kayong dalawa, huwag ninyong h