Lea Adino NAGPATULOY na ako sa paglalakad patungo sa College of Journalism and Media Studies—ang gusaling naging saksi sa lahat ng aking paghihirap at pagsusumikap bilang isang estudyante ng Media Ethics and Investigative Journalism. Habang naglalakad ay nararamdaman ko pa rin ang matinding t***k ng puso ko matapos magtama ang mga mata namin kanina ni Professor Drake Delavega Jr. Ngunit bago pa man ako makapasok sa loob ng gusali ay bigla na lamang may humatak sa mga braso ko at dinala ako sa may likurang bahagi nito. Nakilala ko kaagad ang grupo ni Verna. "Ano ba?! Bitawan niyo 'ko!" Pilit kong hinila ang aking mga braso mula sa mahigpit nilang pagkakahawak, ngunit lalo lamang nilang hinigpitan ang kapit sa akin. Itinulak nila ako pasandal sa pader at kaagad hinila ng malakas ang buho