Lea Adino Isa-isa kong pinirmahan ang mga dokumentong nakalatag na ngayon sa harapan ko. Simula ngayong araw ay opisyal na akong magtatrabaho bilang personal assistant ni Professor Drake Delavega Jr.—ang Chairman at isa sa mga propesor ng unibersidad na ito. Hindi ko pa rin lubos maisip kung paano nauwi sa ganito ang lahat. Tatlong taon din akong nagtrabaho sa isang restaurant, hindi man marangya pero sapat para sa pang-araw-araw na pangangailangan namin ni Mama. Ngayon ay nasa isang opisina na ako sa loob ng isang prestihiyosong unibersidad, magtatrabaho hindi lang bilang assistant ng isang propesor—kundi ng pinakamakapangyarihang tao sa institusyong ito, at maging sa buong bansa. "I'll take care of your previous job. You don’t have to bother resigning or informing them." Napahinto ak