Nikki
NAGULAT ako nang bigla niyang hawakan nang mahigpit ang kamay ko at tinabig ito palayo sa kanya. Ramdam ko ang bigat ng kamay niya.
"Don't bother trying to seduce me," mariing sabi niya, sa nanlilisik na mga mata. "I know you're attracted to me, regardless of my gender. But you will never win."
Parang tinamaan ako ng malakas na sampal sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala. Tumahimik ang buong paligid, at tanging t***k ng puso ko lang ang naririnig ko. Nanatili akong nakatayo, hindi makapagsalita, at nanlulumong nagmumuni-muni sa sinabi niya.
"Matulog ka na. Wala namang kaakit-akit d'yan sa katawan mo." Tumalikod siya na walang pag-aalinlangan, at iniwan akong tulala.
Napatitig na lamang ako sa nakasarado nang pinto. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga sinabi niya. "Anong sinabi niya? Walang kaakit-akit sa katawan ko?" Nilingon ko ang salamin sa tabi ng kama, at mula doon ay nakikita ko ang hubad kong katawan.
Sinuri ng mga mata ko ang sarili ko mula ulo hanggang paa. Malalaki ang mga s**o ko na parang mga papaya. Maliit ang baywang ko na parang coca cola, at malaki ang balakang ko, pati na rin ang mga hita ko, na pwedeng ipangrampa sa entablado. Kung matalino nga lang ako at may self-confidence, dapat ay isa na ako ngayong beauty queen.
Hindi man ako kasing puti niya, pero makinis naman ang balat ko. Ano'ng hindi kaakit-akit dito? Siya ang may problema, hindi ako dahil bakla siya! Walang mali sa akin!
"Bwiset," napamura ako at inis na dinampot ang gown sa sahig. "Bakla nga talaga siya! ... Naturingan kang gwapo, matalino, at bilyonaryo, pero isa kang nakakainis na bakla! At ako? Attracted sa 'yo? Hello! Nananaginip ka yata, Mr. Delavega! Hinding-hindi mangyayari 'yon, kahit mamatay ka pa!" Hindi ko na napigilan pa ang tindi nang inis at pagkapahiyang naramdaman ko.
Napahinto naman ako nang makarinig ako ng malakas na kalabog sa labas, na parang ibinagsak na pinto. Nilapitan ko ang pinto nitong silid ko at kaagad itong binuksan. Sumilip ako sa labas, ngunit tahimik na ang paligid at malalamlam na mga ilaw na lamang sa kisame ang nakabukas.
Narinig pa yata niya ang sinabi ko. Bakit? Galit ba siya? Totoo namang bakla siya!
Napamasid ako sa mga pinto na naririto. Saan kaya dito ang silid niya? Lumabas ako at sinubukan silang buksan isa-isa habang yakap ko pa rin ang gown at itinatakip sa hubad kong katawan. Nalaman ko na bedroom din ang iba sa kanila. Ang dalawang pinto naman na malapit sa room ko at ang isa na katabi nito ay nakakandado.
Malamang isa na dito ang kwarto niya. Kandadong-kandado, ha? Kabadingan. Ano'ng akala niya, rereypin ko siya? Nakakatawa! Hindi ko kailanman gagawin 'yun—hindi rin naman ako pumapatol sa bakla!
Kaagad na rin akong nagmartsa pabalik ng silid ko. Pagkasara ko ng pinto ay ikinandado ko rin ito, para lang matiyak na hindi rin siya makakapasok dito. Wala pa rin akong tiwala sa kanya. Marami nga dyan, kahit bakla ay nagkakaroon pa rin ng anak. Hinding-hindi ko na siya tutulungan pa na itago ang totoo niyang pagkatao sa pamilya niya. Tatahimik na lang ako, at hindi na lang magsasalita para hindi na madagdagan pa ang mga kasinungalingan ko. Manigas siya dyan! Ay, manlambot pala.
Hmph!
Napabuga ako ng malakas na hangin, at pilit na nilabas ang lahat ng inis at pagod na nararamdaman ko ngayon. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng silid na ito—maluwang, elegante, pero parang kulungan para sa akin. Ito na ang magiging kulungan ko simula ngayong araw na ito, at magiging limitado na rin ang bawat galaw ko, dahil may asawa na akong bakla. Siguradong lahat ng mga gagawin ko ay kailangan ko pa ring isangguni sa kanya. Tama ba?
Kailangan siguro naming pag-usapan ito bukas. Kailangan kong malaman ang lahat ng mga pwede kong gawin at hindi. Kung may ibang paraan lang sana para makaipon ng isang milyong pisong pangtubos sa lupa namin sa bangko, hindi ko papasukin ang kumplikadong sitwasyon na ito.
Kahit pa ibenta ko ang mga laman-loob ko, mukhang hindi rin sasapat 'yon. Nahihiya naman akong mangutang ng pera kay Lhevyrose, dahil hindi ko rin naman alam kung paano babayaran 'yon. At saka malamang, hindi na siya magpapabayad pa. Kilala ko na rin ang ugali niya. Nakakahiya naman 'yon, hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa asawa niyang si Charlie.
Wala rin akong lakas ng loob na mangutang kay Dave, isa rin sa mga nakatatandang kapatid ni Drake na nagmamay-ari ng sikat na Dave Man in Black Men's Perfume. Nagtrabaho ako sa kanya bilang secretary sa loob ng limang taon. Doon madalas magtungo si Drake pagkatapos nito sa school para lamang tumambay at magdala ng mga kung ano-anong pagkain sa mga empleyado.
Madalas din siya doong pagkaguluhan ng mga babae, at madalas din niya akong kulitin. Araw-araw nga akong stress sa kanya dahil mahilig siyang magkalat at ako ang taga-linis. Isip-bata talaga siya, pasaway at sutil. Parang kapatid lang ang turing ko sa kanya, lalo't anim na taon ang tanda ko sa kanya.
Hindi ko naman akalain na sa kabila ng ugali niyang 'yon, ay may pusong babae pala siya. Hindi naman kasi halata sa gesture niya, na lalaking-lalaki kung manamit, magsalita at gumalaw. At ngayon ay alam ko nang mahigpit niya itong itinatago sa lahat, lalong-lalo na sa pamilya niya.
Napabuntong-hininga ako ng malalim. Binitawan ko sa sofa ang gown, at nagtungo sa banyo.
Napapaisip ako kung ano ang mangyayari sa amin sa hinaharap. 'Di kaya inuuwi niya sa bahay na ito ang jowa niyang lalaki? Oo, hindi na nakakagulat na sa batang edad niya ay may sarili na siyang bahay dahil na rin sa estado niya, pero baka kasi nagsasama sila dito ng lalaki niya kaya maaga siyang bumukod sa mga magulang niya. At imagine, ang layo nito sa lugar ng mga magulang niya.
Kunsabagay, watak-watak naman talaga silang magkakapatid at sa pagkakaalam ko ay may isa siyang kapatid na nakatira din dito sa Tanay, si Damien Delavega na may pamilya na rin. Ang iba sa mga kapatid niya ay nasa Baguio, ang iba ay nasa Marikina, Taguig at Pasig.
Lahat sila ay matitino at siya lang itong naligaw ng landas. Kunsabagay, hindi naman kasi iisa ang kanilang ina kaya baka, sa side ng mother niya siya nahawa ng ganyang kabadingan. Kaagad kong tinakpan ang bibig ko dahil sa naiisip ko.
Sorry po, Lord. Nagiging judgmental na talaga ako nang dahil sa Drake Delavega na ito. Dahil lang naman sa best friend kong si Lhevyrose kung bakit ko alam ang tungkol sa angkan ng mga Delavega. Isa rin kasi siyang dakilang Marites.
Napabuntong-hininga akong muli ng malalim at sinimulan nang maghilamos ng aking mukha na puno ng make-up. Pagod na ang katawang lupa ko at isip ko kaya gusto ko nang magpahinga. Bukas ko na lang ulit ang mga ito poproblemahin.
Di ba, honeymoon dapat ang ginagawa ng mga bagong kasal? Hmm, baka naman sa jowa niyang lalaki siya makikipag-honeymoon ngayon. Wait, baka naman kaya nakakandado ngayon ang silid niya ay dahil naroroon ngayon ang jowa niyang bayot?
Oh, my gosh!
Kaagad kong ipinilig ang ulo ko dahil sa nakakadiri at nakakakilabot na eksenang pumapasok ngayon sa utak ko. OMG! Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na isa siyang bayot. Ang layo naman kasi talaga sa hitsura niya, eh. Kung titingnan mo siya, hindi mo aakalain.
Matangkad, makisig, at may maganda siyang pangangatawan. Kitang-kita ang toned muscles niya, at minsan ko na ring nakita ang 8-pack abs niya sa tiyan na parang nililok sa perpeksyon. Bukod pa doon, napakagwapo niya, na para siyang modelo na bumaba mula sa paborito mong luxury brand ad. Maputi at makinis ang balat niya, na parang alagang-alaga sa mamahaling skincare products.
Paano naging ganito siya? Parang gusto kong tanungin ang tadhana kung bakit siya pa ang naging ganoon. Isang lalaki na halos perpekto na sa panlabas na anyo, pero bakla pala. Sayang lang! Ang daming babae ang nagkakandarapa sa kanya, at kaya pala sinusungitan niya at hindi pinapansin ang mga ito ay dahil kapwa lalaki niya pala ang gusto niya.
Pero ano nga bang magagawa ko? Wala naman akong karapatan para baguhin ang kung ano siya. Napailing na lamang ako at napabuntong-hiningang muli ng malalim.
Pumasok ako sa shower area at hinubad ang panty ko. Nag-half bath lamang ako gamit ang maligamgam na tubig para mapreskuhan ang pakiramdam ko. Hinihila na rin ako ng kama kaya nagmadali na ako. Gusto ko na talagang magpahinga.
Nang matapos ay nagtapis lamang ako ng towel at lumabas na rin ng banyo. Dumiretso na kaagad ako sa kama at nahiga. Wala akong baong damit dito at wala na rin akong lakas pa na magbukas ng mga closet. Hindi rin ako sigurado kung may laman ang mga 'yan, kaya matutulog na talaga ako.
Ipinikit ko na ang aking mga mata, at 'di nagtagal ay kaagad ding namigat ang aking katawan, hanggang sa tuluyan na nga akong makatulog.
***
THIRD PERSON POV
TAHIMIK na pinagmamasdan ni Drake ang kanyang asawang si Nihann Kitty mula sa isang monitor sa laptop niya habang nakaupo sa sofa. Si Nikki naman ay kasalukuyan nang nakahilata sa kama, nakaawang ang bibig at mahimbing nang natutulog. Bakas sa hitsura nito ang matinding pagod at antok. Ni hindi na nagawa pang magdamit at magpatay ng ilaw sa kisame.
Isinara ni Drake ang laptop at tumayo. Kinuha niya ang isang bungkos ng mga susi sa drawer ng bedside table niya at lumabas ng silid niya. Tinungo niya ang silid ni Nikki na nasa tabi lamang at malayang nakapasok sa loob gamit ang susi.
Dahan-dahan din niyang isinara ang pinto upang hindi magising ang asawa. Lumapit siya sa kama at tahimik na pinagmasdan ito. Halo-halong emosyon ang mababasa sa kanyang anyo.
Bumuntong-hininga siya at dahan-dahang itinakip ang isang kumot sa ibabaw ng katawan ng asawa. Napansin niyang tila nilalamig ito, kaya't isinara niya ang bintana upang hindi pumasok ang malamig na hangin.
Niyuko niya ang asawa, ngunit kaagad din siyang huminto sa nais niyang gawin at muling tumayo ng tuwid. Napailing siya at kaagad din itong nilayuan. Pumasok siya sa banyo at sinuri ang loob nito.
Napansin naman niya ang isang maliit na tela sa sahig sa loob ng shower area. Tinungo niya ito at dinampot. Dito niya napagtanto na underwear ito ng asawa. Basang-basa pa ito at nababahiran pa ng kaunting sabon. Napangiti siya at napailing.
Piniga niya ito upang maalis ang tubig, bago ibinulsa. Pinatay na rin niya ang mga ilaw sa kisame at lumabas na rin ng silid ng asawa.