CHAPTER 06: Slippery Surprises

1992 Words
Nihann Kitty MALIWANAG na ang buong paligid nang magising ako kinabukasan. Sandaling umikot ang paningin ko sa hindi pamilyar na paligid. Nangunot ang noo ko, hanggang sa maalala ko ang sitwasyong kinasasadlakan ko na ngayon. Gosh! Bahay nga pala ito ni Drake at kasal na kaming dalawa! Bigla akong napabalikwas ng bangon at napatingin sa katawan ko. Ganun na lamang ang pamimilog ng mga mata ko nang makita kong wala akong anumang saplot sa katawan. "Huh? Bakit wala akong damit? Ano'ng nangyari?" Nahila kong bigla ang kumot at kaagad na itinakip sa katawan ko. Bakit nakahubad ako? Hinubaran ba ako ni Drake? Pinagsamantalahan ba niya 'ko? Kaagad kong kinapa ang tahong ko at pinakiramdaman. Wala naman akong nararamdamang masakit o kaunting kirot doon. Napansin ko naman ang isang tuwalyang malapit nang mahulog sa gilid ng kama. Hanggang sa maalala ko ang ginawa ko kagabi bago ako mahiga. Nag- half bath nga pala ako sa banyo, at hindi na nakapagdamit dahil sa labis na pagod at puyat. Nakahinga akong bigla ng maluwag. Akala ko ay pinagsamantalahan na ako ni Drake. Paano naman mangyayari 'yon, eh bakla nga siya? Kaagad na rin akong bumaba ng kama at itinapis ang tuwalya sa katawan ko. Itinupi ko ang kumot, ngunit bigla akong napahinto nang maalala kong ... hindi naman ako nagkumot kagabi. Paanong nakabuka na ito at parang ginamit ko pa, though hindi naman siya nakatakip sa katawan ko kanina? Tsk. Siguro ay hinila ko kagabi habang natutulog, at hindi ko na maalala pa. Ni hindi ko nga napansin na hindi na pala nakabalot sa katawan ko ang tuwalya. Malamang ay nakalas ito habang natutulog ako. Nilapitan ko ang pinto, at sinuri. Nakakandado naman ito. Siguradong may mga susi dito si Drake, pero hindi naman siguro siya papasok dito ng walang paalam. Muli na akong bumalik sa kama para ayusin ito. Nadaanan naman ng paningin ko ang sofa, at bigla akong napahinto nang hindi ko na makita doon ang gown na suot ko kagabi sa kasal namin. "Huh? Parang dito ko lang 'yon inilagay, ah." Napalapit ako ditong bigla at sinilip ang mga gilid at ilalim nito. Ngunit wala dito ang gown. Sinilip ko rin ang ilalim ng kama, at ang mga gilid ng bedside table, ngunit wala rin dito. Kaagad akong tumakbo patungo sa banyo at pumasok sa loob. Nilibot ko ang kabuuan nito, ngunit wala rin dito ang gown na 'yon. "Nasaan na 'yon?" May laundry basket dito, ngunit wala namang laman. Binuksan ko ang mga drawer ng vanity, ngunit bakante ang mga ito. "Saan ko ba inilagay? Alam ko, sa sofa lang 'yon, eh. Plano ko pa naman 'yon labhan ngayon." Muli akong lumabas ng banyo at tinungo naman ang malaking closet sa kanang bahagi nitong silid. Kaagad ko rin itong binuksan. Ngunit nagulat ako nang bumungad sa akin ang napakaraming damit. Ang iba ay maayos na nakapatas, habang ang iba naman ay naka-hanger. May mga eleganteng dress at hindi lang basta-basta—lahat ay mukhang mamahalin at branded pa. "Oh, my God. Kanino ang mga 'to?" Isa-isa ko silang pinagmasdan. "Ang gaganda at parang hindi pa nasusuot." Isa-isa ko rin silang inamoy. "Hmm, ang babango. Amoy galing laundry." Binuksan ko rin ang katabi pa nitong closet door, at bumungad naman sa akin ang mga naggagandahang mga bag at mga sapatos. Nasa itaas na bahagi ang mga bag at nasa ibaba naman ang iba't ibang klase ng mga sapatos. "What the hell? Ang gaganda naman ng mga 'to." Isa-isa ko silang hinaplos. Mukhang lahat sila ay mga bago pa rin at hindi pa nagagamit. Halos lahat ng disenyo ay kilalang brand at mamahalin. Sinubukan kong buksan ang isa pang compartment sa tabi nito, at nakita ko ang ilang accessories—mga mamahaling relos, kuwintas, at hikaw na maingat na naka-display. Parang boutique sa loob ng closet! Napatakip na ako sa aking bibig. "Oh, Diyos ko. Bakit dito ako inilagay ni Drake? Hindi yata sa aking silid 'to. Baka nagkamali lang siya kagabi sa pagdadala niya sa akin dito dahil pareho na kaming pagod at puyat." Muli kong naalala ang gown. Hinalungkat ko ang bawat sulok ng closet, ngunit hindi ko rin ito nakita dito. Napahilot na ako sa aking noo at napaupo sa kama habang pinagmamasdan ang mga ito at ang buong paligid. Nai-stress na ako ng bongga! Wala talaga. Wala dito ang gown, may kumuha. Huminga ako ng malalim at muling tumayo. Naghanap ako ng isang simpleng damit dito sa closet. Wala pa akong baong mga damit dito, kaya wala akong choice. Magalit man si Drake, wala akong pakialam. Kasalanan naman niya. Sana kasi ay ipinahakot na lang niya ang mga damit ko dito. Wala kasi sa isip ko na dadalhin niya kaagad ako dito sa malayo. Akala ko ay matutulog pa kami sa hotel kagabi o mananatili muna kami sa mansion ng family niya, at kinabukasan ay saka namin kukunin ang mga gamit ko sa apartment ko. Nakahanap naman ako ng isang silk robe na color cream. Kaagad ko itong isinuot. May nakita din akong mga underwear dito sa iba pang drawer, at mukhang bago din silang lahat. Pero mamaya na lang ako magsusuot niyan, kapag nakaligo na 'ko. Naalala kong bigla ang hinubad kong panty kagabi. Muli ko nang isinara ang closet at tinungo ang banyo habang ibinubuhol ang tali ng robe sa baywang ko. Inalala ko kung saan ko ipinatong ang panty ko kagabi, ngunit hindi ko matandaan. Sinuyod ko ang buong paligid, ngunit hindi ko rin ito makita. "Nasaan naman 'yon? Naligo ako sa shower area, ngunit wala naman dito." Muli akong nagpalinga-linga sa buong paligid, ngunit ni anino nito ay hindi ko talaga makita. "Ayst, pati ba naman ikaw ay nawawala din?" Kung wala dito, baka nga pumasok dito sa loob si Drake habang natutulog ako at kinuha sila! Di kaya nakita din niya ang buong katawan ko? "Ayst! Pwede naman niya akong hintayin na magising bago niya kunin ang mga 'yon. Sinilipan pa ako ng damuho!" Ang aga-aga ay stress na kaagad ako! Minabuti ko nang lumabas ng banyo. Inayos ko muna sandali ang kama at kaagad na ring lumabas ng silid. Sarado ang mga pinto dito sa hallway. Sinubukan kong buksan ang nasa tabi ng silid ko, ngunit nakakandado pa rin ito katulad kagabi. "Drake?" Sinubukan ko itong katukin. Nag-alala naman ako, na baka kasama niya sa loob nito ang jowa niyang bayot na itinatago-tago lamang sa akin. Tulog pa kaya siya, o gising na? Napahinto naman ako nang makalanghap ako ng amoy sunog. Ilang ulit akong napasinghot sa hangin. "Amoy sunog nga? Saan naman galing 'yon?" Nagpatuloy ako sa paglalakad sa hallway, hanggang sa makarating ako sa bukana ng hagdan. Mas lalo pang lumakas ang amoy ng tila nasusunog na bagay, at parang may napapansin na rin akong munting usok sa hangin. "Drake, parang may nasusunog!" Nagmadali ako sa pagbaba ng hagdan. Lumingon ako sa kinaroroonan ng kusina, at doon ko nakikita ang may kakapalan ng usok! Parang may mga tao na ring nagkakagulo doon ngayon! "A-Ano'ng nangyayari?!" Nataranta akong bigla at mas lalong binilisan ang pagbaba ko sa hagdan. Kamuntik pa nga akong mahulog, kundi lamang nakakapit ako ng mahigpit sa railings. Malakas na rin ang kabog ng dibdib ko ngayon sa magkahalong takot at kabang nararamdaman ko. Tuluyan na rin akong nakarating sa baba. Nakilala ko ang mga tao ni Drake sa loob ng kusina, at mukhang kakaapula pa lamang nila ng sunog. Wala akong makitang apoy, kundi mga usok na lamang. May nalalanghap din akong pagkain na parang nasunog din. Paglapit ko sa kanila ay bigla namang lumabas mula sa kanila si Drake, na may bahid pa ng mga uling at dumi sa mukha. Nakasuot siya ng apron, pero topless. "Bakit kasi ngayon ka lang nagising?! Eh, 'di sana ikaw ang nag-asikaso ng almusal!" bulyaw niyang bigla sa akin, na ikinahinto ko. Bakas sa anyo niya ang matinding galit. Namumula na rin ang mukha niya. "E-Eh, kakagising ko lang, eh. Sana ginising mo 'ko," sagot ko naman. Mukhang nagluto siya at nasunog niya. "Do I need to remind you?! You should wake up early to serve me. That's your duty as a wife!" muli niyang sigaw. "Hindi ba kasama sa pagiging asawa ko ang pagtulog natin sa iisang kwarto at pagtabi sa kama, para naman sana ay nagising mo 'ko?" balik-tanong ko rin naman sa kanya. Nangulubot bigla ang noo niya habang nakatitig sa akin. "What?" "Itinuturing mo naman pala akong asawa, eh 'di sana hinayaan mo akong matulog sa kwarto mo kagabi at sinimulan na natin ang honeymoon!" Sinadya kong iparinig 'yon sa mga tao niya, tutal sinisigawan na rin naman niya ako sa harapan nila. "Shut the f**k up!" "Ah, Sir." Lumapit sa amin ang apat niyang tauhan na naririto, na napapakamot na sa ulo. Kaagad din niya ang mga itong binalingan. "What?!" "Aah, k-kami na lang po ang magluluto—" "Get out now!" pagtataboy niya kaagad sa mga ito, na siyang ikinatahimik nila. "Your job is to stand guard, not play chef!" "Y-Yes, Sir." Kaagad na rin silang nagpulasan palabas ng kusina. Unti-unti na ring naglalaho ang mga usok dito sa loob. Kaagad kong nilapitan ang gas range, kung saan may kawali at pagkain na sunog na sunog na. Ano naman kaya ito? Nagkalat pa ang tubig dito sa sahig. Tatlong fire extinguisher din ang nakapatong dito sa island counter, na mukhang ginamit ng mga guard para maapula ang sunog. Nakita kong padabog na inihagis ni Drake ang apron niya sa mesa. "I'm starving! Hurry up and cook! That's your job as a housewife!" Kaagad din siyang nagmartsa palabas, at dumiretso sa hagdan. "Ang aga-agang high blood," bulong ko sa sarili ko. Napabuga na lang ako ng malakas na hangin. "Ang yaman-yaman niya, bakit hindi siya nag-hire ng maid? Tsk... Unang araw pa lang, terible na kaagad." Mamumuti yata kaagad ang bulbol ko dito! Dinampot ko ang kawali at dinala sa sink. Pinatuluan ko ito ng maraming tubig upang lumambot at matanggal ang mga nakadikit na pagkaing sunog. "Luluto-luto, hindi naman pala marunong. Baka naman siya talaga ang may planong paglutuan ako. Pumalpak nga lang. Hmp! Idinaan na lamang sa galit at mga pabulyaw para 'di mapahiya. Tsk." "May sinasabi ka?!" Bigla akong napalingon sa pinto, at natanaw ko si Drake na nasa hagdan pa rin pala at nakatanaw dito sa akin! "A-Andyan ka pa rin?" tanong ko sa kanya. "Ang sabi ko, maganda ka! Ipagluluto na po kita, mahal na reyna!" "What the..." Kaagad siyang nagmadali sa pagbaba ng hagdan. Nataranta naman akong bigla at nakaramdam ng takot sa maaari niyang gawin sa akin. "J-Joke lang, Drake! Nagbibiro lang ako! Hari ka pala, hindi reyna! Heto na, magluluto na 'ko!" "What did you say? Say it again!" "W-Wala nga!" Napaatras akong bigla nang tuloy-tuloy siyang pumasok dito sa loob palapit sa akin, ngunit biglang nadulas ang mga paa ko sa basang sahig. "Drake!" Patihaya akong bumagsak. Maagap naman akong sinalo ng mga braso niya, ngunit maging siya ay nadulas din. "s**t!" malakas niyang mura. Tuluyan na kaming bumagsak sa sahig habang siya ay nasa ibabaw ko. Lumikha ito ng malakas na kalabog. Pero hindi ako gaanong nakaramdam ng sakit dahil sa mahigpit niyang pagkakayakap sa akin. Ngunit ang ikinabigla ko ay ang pagsubsob ng mga labi niya sa mga labi ko. Pareho kaming nanigas sa pwesto at hindi kaagad nakagalaw. Ramdam na ramdam ko ang bigat niya sa ibabaw ko, ganun din ang init ng katawan niya, lalo't topless siya at manipis naman ang suot kong robe. Wala rin akong kahit anong underwear. Ganun na lamang ang pagbilis ng t***k ng puso ko. What the hell? "Anak?" Nakarinig kami nang taguktok ng tila mga heels ng mga sapatos na naglalakad sa sahig. "Bakit dyan kayo nagla-loving-loving sa sahig ng asawa mo? Wala ba kayong kama?" Bigla kaming napalingon sa nagsalita. At nagulat ako nang si Mommy Juliet ang bumungad sa amin, na ngayo'y nakatayo na sa pinto nitong kusina at naka- crossarm habang nakatitig sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD