THREE YEARS LATER "May this institution be a beacon of knowledge and hope? May God continue to guide you as parents and visionaries who will bring education and opportunities to many. Congratulations!" huling turan ni Father. "One. Two. Three!!" Kaagad kong pinutol ang malaking ribbon, kasabay ng masigabong palakpakan ng lahat ng naririto. Sa tabi ko ay nakangiting si Drake habang buhat ang two years old naming anak na si Darcy. Hawak ko naman sa isa kong kamay ang panganay naming anak na si Drake Jr. Kasalukuyan din ngayong malaki ang tiyan ko sa ikatlo naming baby na isa ulit babae at papangalanan naming Dorothea. Oh, di ba? Sa sipag ba naman ng asawa ko, paanong hindi kami makakarami? Kahit buntis ako ay tira pa rin ng tira. Humalik kaagad sa akin ang mahal kong asawa, bago nagsi