Lea Adino "Ano'ng nangyari sa 'yo? Bakit may mga sugat at galos ka?!" bulalas ni Mama pagkapasok niya dito sa kwarto ko. Kararating lamang niya at bihis na bihis pa, na halatang galing sa trabaho. Kaagad siyang lumapit sa akin. Puno ng pag-aalala ang mga mata niya. Kaagad niyang hinawakan ang mga braso kong may mga benda pa. "Ano'ng nangyari dito, Lea?! Napaano ka?!" Ramdam ko ang tensyon sa tinig niya, pero sa halip na matakot o mataranta, napangiti pa ako. Kitang-kita ko naman kung paano lalong nagsalubong ang mga kilay niya nang mapansin niya ang reaksyon ko. "Ano't tatawa-tawa ka pa d'yan?! Tinatanong kita! Nakipag-away ka ba sa school?" "Hindi po, Mama. Ayos lang po ako." Ngumiti ako at niyakap siya nang mahigpit, para pakalmahin ang emosyon niya. "Ano'ng ayos lang?! Ayos ba 'y