"Micah, halika anak andito ang Ninang Giselle mo," Malakas na tawag sa kanya ng ina habang nasa kusina siya at nagliligpit ng kanilang pinagkainan.
"Dalaga na ang inaanak mo, maganda at matalino pa," narinig niyang saad ng Mommy niya sa kaibigan nitong dumating na sinasabi nitong Ninang daw niya. Ni isa sa mga Ninong at Ninang niya ay wala naman siyang nakilala dahil nga ang kwento ng Mommy niya ay taga Maynila sila noon at lumipat lamang ng San Miguel kung saan na siya lumaki at nagka isip.
"Mommy, bakit po?' Tanong niya sa ina nang magtungo sa sala at madatnan ang ina na may bisita. Isang magandang babae at mukhang mayaman dahil sa pananamit at aura nito, isama pa ang mga mamahaling gamit na nakasabit sa katawan nito. Isama pa ang mukha nito na halatang hindi naman na natural. Mukhang ka edaran naman ito ng Mommy niya, wala pang fourty years old ganon.
Kung kaibigan ito ng Mommy niya, bakit ngayon pa lang niya ito nakita? May mga kaibigan naman kasi ang Mommy niya na nakilala na niya, dahil minsan sinasama nito sa bahay, o di kaya minsan siya naman ang sinasama ng Mommy niya sa bahay ng mga kaibigan nito. Pero ang babaing kaharap niya ngayon ay hindi niya kilala, at ngayon pa lang niya nakita.
"Siya na ba si Micah ang inaanak ko?' Tanong ng babae na may malapad na ngiti sa labi.
"Oo, mare siya na iyan, hindi ba ang ganda niya," pagmamalaki ng Mommy niya sa kanya.
"Micah mag mano ka sa Ninang Giselle mo," utos ng Mommy niya. Agad naman siyang sumunod sa ina.
"Maganda ka nga, matangkad at may magandang kutis," komento ng babae sa kanya.
"Salamat po,' alanganing pasalamat niya rito, habang kakaiba ang tingin nito sa kanya. Na para siyang sinusuri nito mula ulo hanggang paa. Nakaramdam siya ng pagka ilang pero hindi na lamang niya pinansin pa.
"Ilan taon ka na ngayon Micah?' Tanong ng babae sa kanya.
"Eighteen po, nag eighteen pa lang po ako last month," tugon niya sa babae. Nakangiti naman ang Mommy niya at patango-tango sa kaibigan nito na tila ba proud na proud ito sa kanya.
Single Mom ang Mommy niya, never pa niya na meet ang Daddy niya. Nabuntis daw kasi ang Mommy niya habang nag-aaral ito sa Maynila, kaya nang maipanganak na siya umuwi na daw ito ng San Miguel kung saan naroon ang mga magulang nito, ang lolo at lola niya na sa kabilang kanto nakatira. Nangungupahan silang mag ina sa isang apartment. Call center agent ang Mommy niya at isa naman siyang scholar sa San Miguel University kaya nakakapag aral siya sa kolehiyo sa kursong Bachelor of Arts major in Fashion Design and Merchandising. Mahilig kasi siyang mag design ng mga kung anu-anong damit, at isa sa pangarap niya ay ang magkaroon ng sariling boutique na sarili din niyang design ang ititinda. Kaya pinagbubutihan niya ang kanyang pag-aaral para makamit ang kanyang pangarap. Hindi niya nais matulad sa kanyang ina na tila ok na sa kanya ang ganitong buhay lang meron sila, sapat na rito ang nakakakain sila at may bahay na uuwian. Siya kase iba, nais niyang umangat, hindi niya gustong hanggang dito lang sila, lalo na't alam niyang may magagawa siya para i angat ang kanyang sarili. Sabihin na nating medyo may pagka ambisyosa siya at palaban sa buhay. Hate na hate niya ang minamaliit siya. Walang masama kung mataas ang tingin niya sa kanyang sarili, dahil nga may ambisyon siya, mataas ang nais niyang marating. At may tiwala siya sa sarili na mararating niya iyon soon.
"Tamang-tama pala at nasa legal age ka na,' nakangiting saad ng babae sa kanya. Sinulyapan niya ang Mommy niya na malapad ang ngiti sa labi.
Hindi niya gusto ang nakikitang ngiti sa labi ng Mommy niya, na para bang may ibang ibig sabihin.
"Pag hindi ka busy, Micah mamasyal tayo ng Mommy mo, kahit mall lang," saad ng babae sa kanya.
Tumango na lang siya rito at hindi na nagtanong pa. Iba na kasi ang pakiramdam niya sa babae. Unang sulyap pa lang niya rito at hindi na niya ito gusto. Masyado kasi itong maporma at marami na ring retoke sa mukha.
"Mommy, aakyat na po ako may gagawin pa po ako sa taas,' paalam niya sa ina.
"Ah.. Sige, Micah magpahinga ka na muna,' tugon ng Mommy niya.
Nagpaalam na rin siya sa babaing Ninang daw niya at agad na siyang umakyat ng hagdan para magtungo na kanyang silid.
"Weird!' Bulong niya nang makapasok na sa loob ng silid.
Wala naman siyang gagawin nais lang niyang iwasan ang mga ito, naiilang kasi siya sa uri ng tingin sa kanya ng babae na para siyang sinusuri mula ulo hanggang paa.
Paghiga niya agad niyang sinilip ang cellphone niya at may mga missed calls sa kanya si Alex ang makulit niyang manliligaw. Isa lang si Alex sa marami niyang manliligaw sa school nila. Mula nang mag eighteen siya nagsimula na siyang ligawan ng mga ka eskwela niya. May mag ka edad niya, meron ding mas matanda sa kanya, katulad ni Alex na isang varsity player na nasa 4th year college na, 22 years old. Sikat at maraming babaing naghahabol rito sa San Miguel University.
"Ang kulit! Sobrang kulit!' Inis niyang saad. Naiinis na siya sa kakulitan ni Alex although gwapo ito at malakas ang dating dahil nga basketball player sa university nila, pero hindi pa niya ito type. Hindi niya type ang lalaking puro lang gwapo at appeal ang kanyang ibigay sa kanya. Ang gusto niya iyung mayaman, iyung tagapagmana, kung pwede iyung nag-iisang anak para walang kalahati sa kayaman. Iyon nga lang mahirap maghanap ng ganoong klase ng lalake sa pang araw-araw na ginagalawan niya. Kailangan niyang mag explore para makahanap ng lalaking tipo niya. Iyung mayaman, as in mayaman, para matapos na ang paghihirap nila ng Mommy niya, na kahit yata middle class hindi na papasa ang estado ng kanilang buhay. Ganoon pa man hindi uso sa kanya ang sumuko. Makakahanap rin siya ng lalaking tipo niya soon.