Chapter-2

1113 Words
"Bakit po biglang sulpot ng Ninang ko na daw na iyon dito sa bahay?' Usisa niya sa ina habang kumakain sila nito ng dinner kinagabihan. "Naku! Huwag mo ng itanong baka mainis ka lang din katulad ko," iling ulong tugon ng ina. "Bakit? Umuutang ba? Eh mukha namang mas mapera pa sa iyo," saad niya sa ina. "Hindi siya umuutang, mayaman ang napangasawa niya, marami siyang pera at hindi niya problema ang pera," tugon ng ina. 'Ganun naman pala anong kailangan niya sa iyo?' Kunot noong tanong niya sa ina. "Eh wala pala silang anak ng mayamang pinakasalan niya, kaya ayun matanda na asawa niya at natatakot siya na baka pag nategi na ang matanda eh bumalik siya sa putik,' saad ng Mommy niya na tila natutuwa pa sa posibleng pag bagsak ng kaibigan nito. "Kaibigan mo ba talaga iyon My?' Nagtatakang tanong niya. "Oo close kami before, pero mula nang yumaman at nakatikim na ng magandang buhay, ayun nakalimot na. Tapos ngayon lalapit-lapit sa akin para humingi ng tulong! Bahala nga siya!" tugon ng Mommy niya. "Anong tulong naman ang kailangan niya sa iyo eh hindi naman tayo mayaman katulad ng asawa niy?" Usisa pa rin niya habang patuloy sa pagkain. "Well, ang kwento niya sa akin, itong asawa daw niya may binatang anak at darating ng bansa ngayong buwan, para ito na daw ang pumalit sa posisyon ng Papa nito sa kompanya. Mayaman ang napangasawa niya as in mayaman iyung tipong bilyonaryo ganon,' litanya ng ina. "Wow,' she said. "Eh ang gaga gusto kang isali sa gulo niya," iling ulong saad nito sa kanya. "Ako? Isasali niya? Bakit? At paano?" Nagtatakang mga tanong niya sa ina. "Ganito kasi iyon, dahil daw wala silang anak ng mayamang asawa niya, automatically na mapupunta ang lahat ng maiiwan ng asawa niya sa nag-iisang anak nito na lalake, iyon nga iyung paparating this month para maupo na daw CEO. Nakalimutan ko ang pangalan, pero hayaan mo na,' litanya ng ina sa kanya. Hindi muna siya nag komento dahil wala naman siyang maintindihan kung paano siya masasali sa gulo. "Ang gusto ng Ninang mo kunin ka niya sa akin at patirahin ka sa doon sa mansyon nila para sa pagdating ng stepson niya eh makita ka daw, at akitin mo ang stepson niya,' patuloy ng Mommy niya. "What?" Bulalas niya. "Iyun ang sabi ng gaga! May girlfriend daw itong stepson niya at nasa US din, pero hindi kasama sa pag uwi ng stepson niya, kaya ang gustong mangyari ng gaga, tumira ka sa mansyon at akitin ang stepson niya," saad ng ina. "Bakit kailangan kong akitin ang stepson niya?" Tanong niya. "Para daw ma in love sa iyo at pakasalan ka, at syempre sa iyo mapupunta ang kalahati ng kayaman ng stepson na galing sa ama nito na asawa ng Ninang mo. At pag nakuha mo na daw ang kalahati ng kayamanan eh ibibigay mo ang 80% sa Ninang mo at sa iyo ang 20% na natitira. Ay ewan ko hindi ko na naintindihan ang mga iba pa niyang sinabi sa akin, basta parang ganyan nga ang plano niya ang ipakasal ka sa stepson niya para makuha niya ang parte niya sa kayamanan," mahabang litanya nito sa kanya. Hindi siya nakakibo sa mga narinig niya sa ina. Kung ito hindi nito naintindihan ang mga sinabi ng Ninang niya daw eh siya naintindihan niya at malinaw ang lahat sa kanya. Kung iisipin madali lang naman sa kanya gawin iyon, lalo na kung may perang kapalit. "Anyway, huwag mo nang intindihin pa ang Ninang mo, nababaliw na iyon at hindi na malaman ang gagawin sa takot na maghirap. Masyado na kasing glamorosa ang nakasanayang buhay, kaya ayan takot at hindi handang bumalik sa pinanggalingan,' litanya ng Mommy niya. Sa tono ng pananalita ng ina hindi ito interesado sa nais mangyari ng kanyang Ninang, pero para sa kanya interesting ang deal na narinig niya mula sa ina, although hindi pa iyon complete detail kaya kailangan pa niyang alamin ang buong detalye mula sa Ninang niya. "Saan ba nakatira si Ninang?" Pa inosenteng tanong niya sa ina para hindi nito mahalata na interesado siya sa nais mangyari ng Ninang niya. "Saan pa nga ba edi sa subdivision ng mga mayayaman sa bayan na ito, sa Tragora Subdivision," tugon ng Mommy niya. Tumango-tango lang siya at pinagpatuloy ang pagkain habang busy na ang kanyang isip sa pag-iisip ng kung anu-ano. Kailangan niyang makausap ang Ninang niya at alamin ang buong plano at kung magkano ang parte niya. Sa narinig niyang 80-20 hindi siya papayag na ganoon lang kaliit ang makuha niya. Dapat ay 50-50 dahil siya naman ang gagawa ng lahat ng trabaho ang tanging gagawin lang naman ng Ninang niya ay ang ipakilala siya sa stepson nito. Pagkatapos ng hapunan binilisan na niya ang pagliligpit ang nagmamadali ng umakyat ng silid. Una niyang ginawa pagka upo niya sa kama ay binuksan ang laptop niya at hinanap na agad ang Ninang niya sa mga kaibigan ng Mommy niya. Baka kase makahalata ang ina kung tatanungin niya ito about sa Ninang niya. Ano man ang plano niya ililihim muna niya sa ina, lalo na't nagpakita ito na hindi ito interesado. Iyan ang problema sa Mommy niya, masyadong ok lang rito kung ano ang meron sila. Para bang hindi na ito nag aambisyon pa, habang siyang lagi siyang nag-iisip ng paraan para makaalis sila sa bulok na apartment na kanilang tinitirhan. Naisip niyang hindi siya nagmana sa kanyang ina, baka sa kanyang ama siya nagmana dahil malakas ang kanyang loob, at mataas ang kanyang ambisyon sa sarili. "Giselle Navarro?" Bulong niya nang makita ang profile ng Ninang niya. Ang mga Navarro na kilalang mayaman sa bayan nila ay ang nagmamay-ari ng ilang mall at ospital sa kabilang bayan, isama pa ang ilang resorts sa ibang lugar. Kung ganun isang bilyonaryo nga nag napangasawa ng Ninang niya. "Matalino siya huh, ginamit niya ang ganda niya para makakuha ng matabang isda, para mamuhay prinsesa siya," bulong niya habang tinitignan ang ilang mga larawan ng kanyang Ninang Giselle na sobrang glamorosa at napaka luxurious ng buhay nito. Napangiti siya at nag send siya ng friend request rito, para makausap niya ito at mapaalam rito na nais niyang malaman ang mga plano nito sa kanya at sa stepson nito. "Who knows, baka ito na ang matagal ko nang hinihintay na pagbabago sa aking buhay," bulong niya sa sarili. Lumapad ang kanyang ngiti sa labi nang agad na mag respond sa kanya ang kanyang Ninang. Accepted na siya nito agad at makakapag stalk na siya sa profile nito para na rin makita niya kung ano ang itsura ng stepson nito. Baka naman mukhang bakulaw huwag na lang siguro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD