"I'm so glad hija nakipagkita ka sa akin at gusto mo kong makausap," nakangiting saad ng kanyang Ninang Giselle sa kanya nang makita sila nito sa isang coffee shop malapit sa school niya.
Naglakas loob siyang i chat ang Ninang niya para sabihing nais niya itong makausap ng personal, at agad naman itong nag reply sa kanya, kaya ngayong araw pagkatapos ng kanyang klase nagkita sila nito para pag-usapan na ang kanilang mga dapat pag-usapan.
Matapos niyang marinig sa Mommy niya ang tunay na pakay ng Ninang niya sa bahay nila ay naging interesado siya rito, kaya siya na ang gumawa ng paraan. Base sa tono ng pananalita ng Mommy niya, wala itong balak pumayag o bigyan man ng chance nag hiling ng Ninang niya na tulungan nila ito sa stepson nito. At dahil ambisyosa siya at mataas ang pangarap, nais niyang subukan ang kanyang charm kung sakaling uubra ba.
"Yes po, Ninang, I really want to talk to you po," saad niya rito.
"Nagkausap na ba kayo ng Mommy mo?" Tanong nito.
"Yes po, Ninang. Pero kung tungkol po sa napag-usapan niyo po ni Mommy, hindi po namin masyadong napag-usapan. Nagbanggit lang po siya ng ilang detalye. That's why po ako na mismo ang gumawa po ng paraan para makausap kayo ng personal," magalang niyang tugon rito habang hindi nabubura sa kanyang mga labi ang ngiti at ganoon rin ang kanyang Ninang na may malapad na ngiti.
"Ganoon ba, mabuti at binanggit pa sa iyo ng Mommy mo ang mga napagusapan namin?" Tanong nito sa kanya.
"Out of nowhere po, naikwento ni Mommy while nag di-dinner po kame," tugon niya.
"I see," tumatangong saad nito sa kanya sabay dampot sa inumin nito habang nakatingin ng deretso sa mga mata niya.
"Ninang I need to know more po. I want more details about it,' straight forward niyang saad sa kaharap. Wala siyang pakialam kung ano ang isipin sa kanya ng babae, nag mahalaga ay malaman niya ang nais niyang malaman, para mapag isipan niya ng mabuti kung gagawin niya o hindi ang plano niya. Sinabi na niya sa kanyang sarili na hindi magiging hadlang ano man ang itsura ng stepson ng kanyang Ninang. Wala siyang pakialam sa itsura ang mahalaga sa kanya at ang perang makukuha niya kung sakali. Baka iyon na ang chance para makaalis na sila ng Mommy niya sa apartment na iyon at maging totoo na ang glamorous life na pinapakita niya sa kanyang social media.
Tumawa ang Ninang Giselle niya sa kanyang sinabi. Pati pagtawa nito tawang asawa na ng bilyonaryo, lakas maka mayaman. Lahat naman pwedeng pag-aralan at sa ganyan siya magaling sa pagpapanggap.
"I knew it," tumatawang saad nito. Ngumiti siya rito habang nakatingin ng deretso sa mga mata nito. She's a smart eighteen years old who's confident and knows exactly what she's doing.
"Sa mga nakita ko pa lang sa social media mo naramdaman ko na na magkaiba ang ugali niyong mag ina. Malayo ang ugali mo sa ugali ng Mommy mo na masyadong honest mula pa noon at laging sinasabi na lumalaban ng patas," litanya nito at napailing pa sa huling sinabi.
"Yes po Ninang, hindi po kami magka ugali ni Mommy," tugon niya.
"Mukhang sa akin ka nagmana," nakangiting saad nito.
"Sana nga po Tita, dahil napaka successful niyo na po at nasa inyo na po ang lahat,' saad niya.
"Ikaw naman Micah, hindi pa naman," saad nito sa kanya.
"So, what's the deal, Ninang?" She asked confidently.
"Iyan ang gusto ko, wala ng paliguy-ligoy pa," saad nito.
"I don't want to waste my time and effort," taas noong saad niya.
"I like you, Micah,' saad nito.
"Thank you po Ninang," pasalamat niya.
"Ok. Ito ang sinabi ko sa Mommy mo kahapon. About sa stepson ko. May fiancée na kasi siya and I heard na nagbabalak ng magpakasal next year. Mahaba pa naman ang next year, kaya marami pang pwedeng mangyari. That's why kailangan ko ng kumilos,' simula nito. Tahimik naman siyang nakikinig rito.
"Damian Navarro is the only heir," saad nito.
Ngayon alam na niya ang pangalan ng lalaking kailangan niyang akitin. Damian huh! Sounds hot and dangerous, pero kaya niya iyan.
"Si Damian na ang uupo sa posisyon ng asawa ko. At nasabi na rin sa akin ng abogado ng asawa ko na 5% lang ang makukuha ko sa iiwang yaman ng asawa ko. And that's unfair! Dahil ako ang nag-alaga sa kanya habang ang anak nito nasa abroad at nagpapakasarap lang!" May inis sa huling sinabi nito.
Sinabi pa nito na pinaliwanag na raw ng abogado kung bakit 5% lang ang makukuha nito, dahil daw sa wala itong anak. Ang mahalaga daw sa asawa nito ay anak, at iyon ay si Damian na 95% sa kayamanan ang makukuha. That's why ang gusto nito at akitin niya si Damian, at pakasalan ito, para makuha niya ang 50% sa yaman ni Damian after nilang mag divorce ni Damian. At sa makukuha nitong 50% sa yaman ay hahatian naman daw siya nito 80-20 daw ang hatian sa makukuha nila.
Nabanggit din ng Ninang niya na once na pumayag na siya kailangan na raw niyang lumipat sa mansyon ng mga Navarro at ipapakilala niya itong pamangkin nito. Ito na raw ang bahala sa lahat ng gastusin niya habang nasa mansyon siya, may magiging regular allowance daw siya na 20 thousand kada buwan habang isinagagawa ang utos nito hanggang sa dumating na ang araw na pakasalan na siya ni Damian. Kailangan daw nilang magkasama ni Damian sa loob ng isang taon, saka daw sila mag di-divorce para makuha na niya na ang kailangan nila kay Damian. Ang Ninang na raw niya ang bahala sa lahat, basta pumayag lang daw siya at sumunod sa mga utos nito.
"This month na ang dating ni Damian sa mansyon, and hindi ako sure kung kasama niya ang fiancée niya o hindi. Pero I hope na mag isa lang siya, para magawa mo ang plano," patuloy pa nito sa kanya.
"I understand po Ninang," saad niya. Naiintindihan naman niya lahat. Isa lang ang hindi niya nagustuhan ang hatian nila na 80-20. Ang gusto niya ay 60-40 dahil ipapahin niya ang kanyang sarili, madadamay din ang kanyang katawan. Hindi siya sure kung importante pa o hindi na sa panahon ngayon ang virginity ng isang babae. Birhen pa siya at kung kailangan niyang isuko pati ang pagka birhen niya ay dapat lang na makatanggap siya ng malaking bayad. Pero sa susunod na nila pag-uusapan ng Ninang niya ang tungkol doon. Sa ngayon kailangan lang niyang gawin ay ang pumayag at makalipat na sa mansyon bago pa dumating ang stepson nito. Para mapaghandaan niya ang lahat.
"Bibigyan kita ng tatlong buwan, Micah, kailangan magawa mong mabaliw sa iyo si Damian, para iwan na niya ang fiancée niya at magpakasal na kayo agad. Baka kase mamatay na ang asawa ko wala pa ring nangyayari sa inyo ni Damian," saa nito.
"Tatlong buwan? Don't worry po Ninang sapat na po ang dalawang buwan para mahulog sa akin ang stepson mo, at iwan niya ang fiancée niya,' pagyayabang niya.
Confident siya dahil hindi lang siya matalino at madiskarte. Maganda rin siya at may malakas na s*x appeal. Marami siyang manliligaw, may mga mayayaman pero para sa kanya hindi pa sapat ang yaman ng mga ito kaya hindi niya ini entertain, lalo na pag maraming kapatid. Ang tipo niyang lalake ay katulad ni Damian Navarro, bilyonaryo at tagapagmana. Walang issue sa kanya kahit ano pa ang itsura nito. Pera ang mahalaga sa kanya.
"Sa sinasabi mong iyan, Micah, parang payag ka na sa plano ko," nakangiting saad nito sa kanya. Ngumiti siya rito.
"Sino ba naman ang tatanggi sa magandang plano mo Ninang,' nakangiting tugon niya. Tumawa ito sa naging tugon niya.
"Hindi nga ako nagkamali na ikaw ang piliin ko. Unang kita ko pa lang sa mga larawan mo, alam ko nang ikaw ang kailangan ko," nakangiting saad nito.
"Salamat po Ninang, hindi ko po kayo bibiguhin," pasalamat niya rito.
Hindi niya sasayangin ang magandang opportunity na ito na magiging daan sa pagbabago ng kanyang buhay.
"Kailan po ako lilipat sa mansyon niyo?" Tanong niya rito.
"Anytime Micah. Basta magpaalama ka lang ng mabuti sa Mommy mo. Hindi ko gustong magkasira kami ng Mommy mo. Ayokong ma risk ang pagkakaibigan namin," saad nito.
"Ako na po ang bahala kay Mommy. Ako po ang kakausap sa kanya para maintindihan niya ang lahat," tugon niya rito. Tumango naman ito sa kanya.