Chapter-4

1505 Words
"Nababaliw ka na ba? Bakit mo kailangan makialam sa gulo ng Ninang Giselle mo? Bakit Micah? Ginugutom ba kita? Nagkululang ba ko sa iyo para patulan mo ang inaalok niyang trabaho sa iyo!" Galit na sigaw ng Mommy niya nang sabihin rito na tinatanggap niya ang alok sa kanya ng Ninang Giselle niya na magtrabaho sa mansion ng mga Navarro. "Mula ng ipanganak kita Micah, hindi kita ginutom! Lahat ginagawa ko para sa iyo! Pinag-aaral kita para hindi ka matulad sa akin! Lahat ng gusto mo kahit nahihirapan ako pilit ko pa ring binibigay sa iyo! Tapos ganyan lang ang sasabihin mo sa akin!" Galit pang dagdag nito. Kanina pa nga ito nag hehesterikal at nagwawala na. Hindi pa nga nito napakinggan kung bakit niya ginagawa ang bagay na iyon. Hindi naman kasi para sa kanya lang ang ginagawa niya. Para rin naman ito sa Mommy niya. Lahat naman ng tatanggapin niyang bayad mula sa Ninang Giselle niya at hahatian niya ang Mommy niya. Beside kung magtagumpay naman siya na mapa in love ang tagapagmana na iyon, mamumuhay reyna ang Mommy niya, mas maghihigitan pa nito ang buhay ng Ninang Giselle niya. Alam niya ang lahat ng sakripisyo ng Mommy niya sa kanya, at nais niyang makabayad rito pagdating ng panahon. Sino bang anak na hindi nais mabigyan ng kumportableng buhay ang mga magulang. Sa panahon ngayon at sa bansang ito hindi rin guarantee na magkakaroon ka ng magandang trabaho once na maka graduate ka. Kung wala ka ring backer sa kompanya wala din. Isa pa paano naman niya magagawang mamuhay reyna ang Mommy niya kung minimum lang ang sahod niya, sa sarili pa lang niya kulang na kulang pa. "Mommy, hindi lang naman ito para sa sarili ko, para po ito sa inyo,' saad niya sa ina. "Tumigil ka nga Micah! Hindi ko alam kung ano ang mga sinabi sa iyo ng Ninang mo, pero kung papatulan mo ang alok niyang trabaho sa iyo, wala kang pinagka iba sa kanya na gold digger!" Galit nitong saad sa kanya. "Mommy, walang masama sa pagiging ambisyosa o gold digger. Basta wala kang tinatapakang tao," tugon niya. "May fiancée ang lalaking iyon Micah! Paano mo masasabi na wala kang matatapakang tao!" Hiyaw nito. Hindi siya nakakibo. Alam nga pala ng Mommy niya ang lahat ng detalye, kaya wala siyang ligtas rito. "Tumigil ka na Micah, kahit anong gawin mo hindi kita papayagan! Sisira ka ng relasyon ng iba. At paano kung hindi ka magustuhan ng lalaking iyon. Paano na lang ang mga plano ni Ninang mo, baka ikaw pa ang sisihin niya pag hindi niya nakuha ang mana!" Saad nito. "I will do everything, Mommy para magawa ang misyon ko," determinadong saad niya. Kilala niya ang sarili. May tiwala siya sa sarili. Wala pa siyang ginusto na hindi niya nakuha. Isa siyang ambisyosa, kaya lahat ng gusto niya nakukuha niya. "Hindi kita papayagan!" Asik ng Mommy niya. "Para sa iyo din ito Mommy, para maibigay ko ang buhay na dapat sa iyo. Kahit magtrabaho ako pagka graduate ko hindi niyo mapapantayan ang uri ng pamumuhay meron si Ninang Giselle. Pero dito sa plano niya, malaki ang chance na mapantayan natin ang estado ng kanyang buhay,' paliwanag niya sa ina. "Hindi mo ba kilala ang mga Navarro. Ma impluewensya ang mga iyan, kung sumablay kayo, baka kayo pa ang gawan ng hindi maganda,' saad ng Mommy niya. "Nakahanda po ako sa lahat ng pwedeng mangyari Mommy, at nais ko lang ay ang approval mo," saad niya sa ina. "Hindi! Hindi ako papayag! Ikaw lang ang kaisa-isang anak ko Micah! Ayokong may masamang mangyari sa iyo," saad nito. Naiintindihan naman niya ang rason ng ina. Pero hindi niya pwedeng hayaan na lang ang napakagandang apotunidad na ito na mawala sa kanya. "Patawarin niyo ko Mommy, pero buo na ang pasya ko ga-" Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin sa ina. "Subukan mong ituloy ang binabalak mo Micah! Kakalimutan kong anak kita!" Mariing pagbabanta nito sa kanya. Hawak niya ang pisnging sinampal ng malakas ng Mommy niya habang nakatingin siya sa mga mata nito na puno ng galit. "Patawarin niyo po ako Mommy, gusto ko rin pong makaranas ng magandang buhay," saad niya sa ina. "Sige sumama ka sa Ninang Giselle mo!" Sigaw ng Mommy niya sabay tulak pa sa kanya. "Mula ngayon wala na kong pakialam pa sa iyo Micah!" Bahala ka na sa buhay mo!" Galit na galit na saad ng ina sa kanya. Hindi na siya kumibo. Hindi niya nais na magalit sa kanya ang ina. Pero buo na talaga ang pasya niya na gagawin ang plano nila ng Ninang Giselle niya ano man ang mangyari. "Patawad po, Mommy,' hingi niya ng tawad sa ina. Hindi naman na kumibo pa ang Mommy niya. Kumilos na siya paakyat ng hagdan para magpahinga na at sana bukas pag gising niya ay kalmado na ang Mommy niya at naintindihan na nito ang gusto niyang mangyari. Pagpasok niya ng silid agad niyang tinawagan ang Ninang Giselle niya para ipaalam na ayaw ng Mommy niya, pero tuloy pa rin siya. Sa susunod na linggo lilipat na siya sa mansyon ng mga Navarro at ilang araw lang non darating na ang stepson ng Ninang Giselle niya. Napag-usapan na nila ng kanyang Ninang ang kanilang mga gagawin, madali lang iyon para sa kanya, kung ang kapalit naman ay marangyang pamumuhay habang buhay. Wala naman siyang talo. Kung sakali na hindi siya magustuhan ng stepson ng Ninang niya, may makukuha pa rin naman siyang allowance na magagamit niya para makapag simula. Pero kung magagawa niya ang plano, mamumuhay prinsesa at reyna na silang mag ina. Kaya gagawin niya ang lahat para magtagumpay sa kanyang misyon. Makalipas ang isang linggo na wala silang naging kibuan ng Mommy niya. Hindi siya nito pinapansin, kahit gumagawa na siya ng paraan para makapag usap sila. Valid naman ang galit ng Mommy niya, pero nasa tamang edad na siya para mag desisyon para sa sarili niya. Hindi na siya nito pwedeng kontrolin pa. "Mommy ngayon na po ako aalis ng bahay," saad niya sa ina habang nag-aalmusal sila nito. Nakapag empake na siya at handa na siyang umalis. Dapat sana ang Ninang Giselle niya ang susundo sa kanya, kaya lang natatakot na ito sa Mommy niya dahil nga galit na galit ang Mommy niya rito, kaya pinasusundo na lang siya sa driver nito. "Gawin mo ang gusto mo Micah, huwag ka lang babalik rito na umiiyak!" Mariing saad nito na hindi man siya sinusulyapan. Mula nang magkagulo sila ng Mommy niya, hindi na niya nakita itong tumingin sa kanyang mga mata. "Pangako po Mommy, magbabago ang buhay natin," saad niya. "Huwag mo na kong idamay pa sa mga kalokohan mo!" tugon nito. Napalunok na lamang siya at hindi na kumibo. Kung magsasalita pa siya baka mauwi na naman sa sigawan ang lahat. Ayaw niyang umalis sa bahay nila na puno ng galit sa kanya ang Mommy niya. Mabuti na ang ganito na kalmado na ito. Pinapangako naman niyang hindi siya magsisisi sa kanyang naging desisyon. Maibibigay niya sa ina ang buhay na deserve nito, lalo na sa mga isakripisyo nito sa kanya. Mahal na mahal niya ang ina, kaya nga mas lalo siyang naghahangad ng magandang buhay para sa kanilang dalawa. Lahat naman ng kanyang ginagawa ay para sa rin sa Mommy niya. Para hindi na ito magpuyat pa sa kakatrabaho tuwing gabi. Nais na lang niyang mamuhay ito katulad ng Ninang Giselle niya na nakahiga sa pera. "Pag nabigo ka Micah, hindi na kita tatanggapin pa," saad ng Mommy niya. "Huwag po kayong mag-alala Mommy, hinding-hindi po ako mabibigo," puno ng determinasyong sagot niya sa ina. Gagawin niya ang lahat para hindi mabigo. Hinding-hindi siya mabibigo. Pagdating ng driver na nagsusundo sa kanya, binaba na niya ang isang maletang dala niya. Kaunti lang ang dala niyang gamit dahil pinangakuan siya ng Ninang Giselle niya na ibibili ng mga bagong damit na gagamitin niyang pang akit sa stepson nito. Kailangan daw kasi niyang magmukhang dalagang lumaking alta, kaya hindi na niya pwedeng isuot pa ang mga dati niyang damit na pang masa daw at walang class. Wala naman kasi siyang pambili ng mga class at mamahaling damit kaya puro pang masa lang ang style niya, pero ganun pa man kaya naman niyang dalhin at gawin sosyal at mamahalin ang bawat style. Panigurado rin na lulutang ang kanyang ganda once na nabihisan na siya ng pang alta, dahil iyon naman ang nababagay sa kanyang ganda. Nagpaalam siya sa Mommy niya na aalis na, pero wala itong kibo. Nais niya itong yakapin pero pinigilan na lang niya. Basta babalik siya sa bahay nila na may dalang good news para sa ina. Aalis silang mag ina sa apartment na iyon, sa isang mansyon na sila nito titira matapos ang kanyang misyon na ito. Hindi niya sasayangin ang pagkakataon na ito, gagawin niya ang lahat para maipanalo, dahil ang panalo niya ang magiging tulay para magkaayos silang muli ng Mommy niya at magkasamang muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD