Marahan kong binuksan ang pinto upang pagbuksan ang aking asawa. Naka coat na grey na tinernuhan ng polong puti. Hinagkan agad ako nito sa noo. "Ang aga naman matulog ng dalawa" sambit nito habang nakatingin sa kambal na mahimbing na natutulog. "Napagod sa kakalaro kaya nakatulog agad" sagot ko saka kinuha ang kanyang bitbit na bag. Naupo muna ito sa may mahabang sofa habang nakatanaw sa dalawang batang lalake. "I think we need to renovate this room" sambit nito. "Bakit? maganda pa naman ang pintura nitong kwarto" "Nope.. I mean kailangan na sigurong palakihin itong kwarto. Ang bilis nilang lumaki" "Ahh ganun ba.." saka ako ngumiti at naupo sa kanyang tabi. "Mina" mahinang niyang sabi. Malimit ko na lang siyang marinig na tawagin ako sa aking pangalan. Pag baling k