Bago siya pumasok sa kanyang sasakyan ay bumaling siya ng tingin sa akin. "Senyorito kumain na po muna kayo bago umalis, malayo pa po ang byahe mo pauwi" ani ng matandang babae nakasunod sa aking kapatid. Rinig ko ang kanilang usapan dahil hindi kataasan ang beranda ng aking kwarto. "Okay lang yaya, may madadaanan naman akong restaurant mamaya," sagot ng aking kapatid. "Just make sure na kakain siya," dugtong pa nito habang nakatanaw sa akin. "Wag kang mag-alala senyorito kumakain po si Master Apollo," she answered saka yumuko ng bahagya. "I need to go yaya," sambit nito at mabilis na umalis lulan ng kanyang itim na kotse. I was staring at the moon when I heard a knock at the door. "Master kain na po," sambit ni yaya pagbukas ko ng pinto. Napatingin ako sa dala nitong cell