"Ang lalim yata ng iniisip mo? May problema ba Levi?". Nahinto siya sa pagtutupi ng kayang damit saka bumaling sa akin. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at itinabi muna ang aking cellphone na kanina ko pa tinitignan. "Kinakabahan kasi ako Jane". "Kinakabahan? bakit?" kunot noo nitong tanong at nagpatuloy sa pagtutupi. "Eh kasi, hindi ko alam ang magiging reaksyon ko pag nagkita na kami ng lola ko". "Yun bah, syempre dapat maging masaya ka pag nakita mo na siya. Ang tagal na hindi mo siya nakasama. Saka anong malay mo. Kasama na niya ang mga magulang mo pag nagkita na kayo". "Ewan ko ba Jane, kinakabahan ako, siguro kasi first time ko siyang makikilala. Hindi ko alam kung anong klase siyang tao, Mabait ba?, masungi? istrikta?. Basta Jane kinakabahan ako". "Kahit ano