"Anong nakakatawa? seryoso ako Levi" Napakibit balikat siya saka iniwas ang tingin sa akin. "Ngayon lang kasi kita nakitang ganyan. Ibang iba ang asta mo pag nasa campus. Ngayon para kang maamong tupa" sabay hagikgik ko ulit. "Tsk, kung kelan naman ako seryoso. Tinatawanan mo naman ako" sabi niyang may pagmamaktol. "Vince wala na sa akin yun, pinalipas ko na iyon, isa pa kapatid mo ang----" "Can you please stop talking about my brother!" Inis niyang sabi sabay buga ng hangin. "Oh? Bakit naiinis ka naman ngayon? Alam mo minsan naiisip ko talaga baliw ka". Ani ko habang pigil na pigil ang aking tawa. "Mababaliw talaga ako kung bakit kasi---" putol niya sabay irap sa akin. Pakiramdam ko tuloy may gusto pa siyang sabihin. "Vince let me tell you this. I accept you apologize. Pero this ti