*********** "Anong sabi ng parents niya? May violent reaction ba?" "Nalungkot sila. Sab sino ba naman ang magulang na matutuwa sa ganoong pangyayari?". Umakbay siya bigla sa akin na halos buhatin ko ang kanyang bigat habang naglalakad. "Mabuti na lang talaga may CCTV. " "Sinabi mo pa Sab, teka ang bigat mo" reklamo at siya naman ay umalis sa pagkaka akbay. "Grabe siya.. mataba na ba ako?". Kumaway siya sa kanyang driver na malapit na sa kinaroroonan namin. "Hindi, seksi mo nga ngayon" saka ako'y ngumiti. "Aba parang ang saya mo yata ngayon Levi? Kanina ka pa ganyan eh" "Ha? Hindi naman Sab" "Sus... Baka pwede mong sabihin sa akin yung tungkol dyan sa bago mong phone?" "Ahh eto ba, di ba nga nasira yun dahil kay Rey." "Levi... Kilala kita. Kuripot ka, hindi ka bibili ng ganyang k