MARB C-3

2336 Words
"Tinatanong kita. Do you remember me?" ani ulit ng lalake at hinawi ang librong hawak ko dahilan para mahulog ito sa sahig.       Kinuha ko ang libro pagkatapos ay bumaling ng tingin sa lalake. "Ikaw yung sa cafeteria." malumanay kong sagot.   Ngumisi siya at binigyan ako matalim na tingin. "f**k the hell you are!"bulyaw niya ulit.   Napansin kong nagkukumpulan na ang ibang estudyante dahil sa agaw pansin niyang eksena. Idagdag pa ang tinig niyang nanginginig sa inis.   Pakyu ka din. Gusto kong isigaw pero sinarili ko na lang.   "What did you said?. Geez what an insane manners you have." ani nitong tila hindi nagustuhan ang aking sinagot.   "Sabi ko ikaw yung sa cafeteria"   Gusto ko siyang itulak palabas ngunit hindi maaari. Ayaw kong magkaroon ng problema dito sa unibesdad. Lalong lalo na kay Mina at Zeus na silang nagpasok sa akin dito. Ang tanging nagawa ko lang ng mga oras na iyon ay ikuyom ang aking palad at itikom na lang ang aking bibig.   "Hindi ako nagpunta rito para kumausap sa walang kwentang kagaya mo. I came here to let you know na pipili ka nang babanggain mo. And aside from that may I ask kung mapapalitan mo ba ang shirt kong tinapunan mo nang juice?"   Hindi ako sumagot bagkus ay nakipagtitigan lang ako sa kanya. Ngumisi ulit siya at kasunod nun ang paghawak niya ng mahigpit sa aking braso. Gusto kong uminda ng sakit pero hindi ko magawa ayaw kong makita niyang nasasaktan ako.   "Ano?!! makikipag titigan ka na lang ba sa akin?!. Don't you know who I am? I'm one of the owner of this university!!" singhal niya na lalo pang hinigpitan ang paghawak.   "Vince tama na... palagpasin mo na lang. Tutal maganda naman siya" ani ng lalaking may kaputian na nasa kanyang likuran.   Pabalya niyang binitawan ang aking braso na muntik ko pang ikawala ng balanse mabuti at nahawakan agad ako ni Sab.   Lumapit siya sa akin na halos isang danggal nalang ang pagitan naming dalawa."Hindi pa tayo tapos! hanggat hindi ko nakikitang umiiyak ka, hindi kita titigila" bulong niya sa akin tenga saka humakbang paatras.   "Vince let's go" ani ulit ng lalake na may kaputian. Bago siya tuluyang lumabas ay lumingon pa siya sa akin. Matalim na tingin ang binigay niya na tila ibig sabihin ay katapusan ko na.   Pag-alis nila ay muli akong umupo at pinagpatuloy ang pagbabasa. Kasabay din nun ang usapan ng mga tao sa aking paligid.   "Mali siya ng binangga, ewan ko na lang kung aabutan pa siya ng next sem".   "Kung ako sa kanya, lumuhod na lang ako at huminga ng sorry"   "Hindi nga siya ng-sasalita, baka naman natakot kaya di makasagot kay Vince kanina". sunod sunod nilang sabi na hindi ko inintindi.   "Levi ok ka lang?" tanong ni Sab at tinignan ang aking braso.   "Hindi ba masakit? pumula yung braso mo oh" sabi niya ulit.   "Ok lang ako Sab. Mag-review na tayo" sagot ko na pilit pinapawi ang inis.   "Ang sama talaga niya. Gwapo sana kaso ubod ng sama. Di ba nag sorry ka naman sa kanya doon sa cafeteria. Bakit hindi pa siya makuntento" naiinis na sabi ni Sab at kinuha ang libro sa kanyang bag.   "Kilala mo ba siya Sab?"   "Hala Levi hindi mo siya kilala?" pagtataka nito at nahinto sa paghawi ng libro.   "Sabi nila si Vince Gabriel.. Tama vince yung narinig kong tinawag sa kanya. Yun lang ang alam ko sa lalaking yon".   "Levi siya ang kinatatakutan dito. Siya ang bully nitong University. Maraming estudyante daw ang napipilitan mag pa transfer dahil sa kanya. Pag may natipuhan daw siyang estudyante hindi niya daw titigilan hanggat hindi umaalis dito."   "Ganun? eh bakit pumapayag sila.. bakit hindi nila irekalamo?".   "May nagreklamo na pero wala namang nangyare. Mayaman si Vince. Hindi lang basta mayaman sobrang yaman. Kung ikukumpara sa akin. Isa lang akong barya sa level ng yaman nila Levi."   "Ahh ibig sabihin kung ikukumpara ako. Isa lang akong alikabok." sabi ko saka ngumiti.   "Nakukuha mo pang magbiro kahit sinaktan ka niya. Ewan ko ba sa taong iyon. Napaka spoil brat. Parang hindi pinalaki ng maayos ng mga magulang." ani nitong pailing iling.   "Ganito nalang Levi palitan mo na lang kaya yung shirt yung natupunan mo ng juice. Para naman hindi kana niya balikan. Im sure pag binalikan ka niya mapapa-away na talaga ako."   "Pwede ko naman palitan yung damit niya kaso ang mahal kasi." ani ko   "Magkano ba yon?"   "Sabi niya 100,000.00 at sa France pa daw yun binili".   "Ano?!!! 100,000.00? isang pirasong damit 100,000.00?!" gulat na sabi ni sab dahilan para ngumiti ako.   "Pati ikaw nagulat? Ako din ganyan yung reaksyon nung sinabi niya yung presyo. Sabi ko bayaran ko na lang. Ayaw niya gusto niya palitan ko yung damit. Hindi ko naman kayang palitan yun. Hindi ako pupunta ng france para lang bumili ng damit niya. Hindi ako baliw para gawin iyon".   "Sinabi mo yon?"   "Oo"   "Patay... kaya pala ganun na lang ang galit niya sayo kanina. Kung ako sayo Levi magsorry ka na lang ulit sa kanya"   "Para ano pa? ipahiya niya ulit? Sab tingin mo tatanggapin niya ang sorry ko?".   "Oo na... teka nga wala ka bang balak pumunta ng clinic? Mukang magiging pasa na yang nasa braso mo?"   Napatingin ako sa braso kong kumikirot sa sakit. Muka nang magkakapasa ako dahil sa lalaking iyon. Pasalamat siya at hindi ako pumatol sa pag isip bata niya dahil kung hindi baka siya pa ang napahiya kanina.   "Ok lang yan Sab. Mawawala din yan." sagot ko at nagpatuloy sa pagbabasa ng libro.   ___________________   "Jane ako na ang maghuhugas ng pinggan. Magpahinga kana. Mukang pagod na pagod ka ngayong araw" sabi ko habang inilalagay ang mga pinggan sa may kitchen sink.   "Sige levi. Medyo napagod ako sa pagtatanggal ng d**o doon sa garden. Sa akin kasi inutos ni manang yung pagtatanggal ng d**o sa mga puntod".   "O buti nakatagal ka, diba ayaw mo doon?" tanong ko at nag-umpisa nang hugasan ang mga pinggan.   "Nung una, pero ngayon sanay na. Maaliwalas kaya doon saka malamig yung hangin". Umupo siya sa upuang malapit sa akin at kumuyakoy habang nakatingin.   "Bakit ka naka longsleeve? Di kaba naiinitan?" saglit akong natigil sa ginagawa at bahagyang iniwas sa kanya ang aking braso.   "Medyo nilalamig nga ako." Sana lang hindi niya napansin kanina yung braso ko. Kung hindi dahil sa lalaking iyon hindi sana ako magkakapasa.   "Ganun ba? Baka lalagnatin kana. Naku inuman mo agad yan ng gamot. Teka nga titignan ko kung may stock pa tayo ng mga gamot". Tumayo siya at kinuha ang medicine kit na nasa taas ng refrigerator.   "Jane ok lang ako. Medyo nilalamig lang talaga ako ngayon".   Kinuha niya ang tatlong tableta at inilagay iyon sa mesa. Muli siyang bumalik sa pagkakaupo at bumaling sa akin.   "Basta inumin mo yan pagkatapos mong maghugas ng pinggan".   "Jane.."   "Wag nang matigas ang ulo." giit pa niya kaya hindi na ako tumutol.   "Nagkausap naba kayo ni Lottie?"   "Oo tinawagan ko siya. Nasa honeymoon pa nga siya ng tumawag ako".   "Talaga? Anong sabi niya?".   "Ok lang daw na hindi ako nakapunta. Nagsabi na din si mina at manang sa kanya. Alam mo kung pwede lang talaga i postpone yung exam gagawin ko talaga para maka-aatend ako ng kasal kaso hindi pwede."   "Oo nga eh, siya nga pala naalala mo yung pinsan ni Sir Zeus?"   Nahinto ako sa paghuhugas at bumaling sa kanya. Napakunot ako ng noo habang siya unti unting ngumiti. Yung ngiti na para bang may ibig sabihin.   "Ha? Sino dun?" tanong ko na ang totoo naman ay kilala ko na kung sino iyon.   "Yung tisoy yung mukang kano. Hindi ko maalala yung pangalan niya eh" ani naman nito na napaisip.   "Sino dun Jane? May sinabi ba siyang hindi maganda sayo?" muli kong pinagpatuloy ang ginagawa kasunod nun ang kuryusidad na bumalot sa akin.   "Ahh! Naalala ko na! Si Sir Apollo. Tama siya nga yun".   "Ahh siya ba? Bakit? May ginawa ba siya sayo Jane?".   "Wala naman Levi. Mabait nga siya sa akin. Alam mo ba nung kinausap niya ako. Ikaw agad yung hinanap niya."   "Bakit daw?" pagkatapos kong banlawan ang mga pinggan ay kinuha ko ang bimpong puti na nasa gilid ng Ref. Inilagay ko sa mesa ang mga pinggan at sinimulang punasan iyon.   "Gusto ka daw niyang makausap at makita. Sabi pa niya Namimis ka na niya".   Napataas ang isa kong kilay saka ngumisi. "Tingin mo seryoso siya sa sinabi niya? Naku Jane sa susunod na magkita kayo wag mo na siyang kausapin. Eh sa itsura palang niya playboy na eh".   "Grabe ka naman. Hindi naman siguro. Ang bait niya nga eh. Napaka gentleman pa".   Umiling iling na lang ako at pinagpatuloy ang pagpupunas ng pinggan.   "Kamusta pala sa school? may naging friends kana ba?" tanong nito at ilang saglit pa ay naalala ko yung mukha ng lalaking iyon.   "Ok naman Jane, may naging kaibigan na ako. Muka yatang sinumpong ka nang kadaldalan mo ngayon ah. Anong nakain mo?" pag-iiba ko ng usapan. Ayokong mapunta ang usapan namin sa lalaking iyon. Kumukulo ang dugo ko sa tuwing maalala ang ginawa niyang papahiya doon sa cafeteria.   ****************   "Miss eto oh, enjoy your meal" sabay abot ng matandang babae nang tray na may pagkain at juice.   "Salamat po".   Kinuha ko iyon at palingon lingon sa paligid, naghahanap ng mapu-pwestuhan. Ilang segundo lang ay bigla nalang nagsitilian ang mga taong nandoon. Hindi ko na inabala ang sarili kung sino o kung ano ang kinukumpulan nila. Nang makakita ng upuan ay namadali akong humakbang palapit doon.   "Vince!".   "MY ghaaddd si Vince".   "Gosh si VInce!". sabay sabay na sabi ng mga nandoon at sinamahan ng pagtili.   Natigil ako sa paghakbang ng maramdaman ang isang malakas na bagay na tumama sa aking tray. At kasunod din nun ang pagbagsak ng basong may lamang juice sa sahig.   "Ouch" sabi ko napatingin na lang sa basong gumulong papunta sa paanan ng isang lalake. Iniangat ko ang paningin sa taong nasa harap ko. Doon ko lang napagtanto na siya ang nabunggo ko. Kitang kita ang kulay orange ng juice na kumalat sa kanyang white tshirt na may imprentang THE KING IS HERE.   Namayani ang katahimikan sa paligid na pati ako ay natigilan. Dahan dahan nagsalubong ang kanyang dalawang kilay at sinabayan pa ng pamumula ng kanyang tenga. Halatang halatang galit siya. At kung susumahin galit siya sa akin.   "YOUR RECKLESS!! BULLSHIT!" sigaw niya dahilan para ako'y mapapikit sa lakas ng kanyang boses.   Dalidali kong binaba ang tray na hawak sa mesang malapit sa akin at kinuha ang panyo sa aking bulsa. Agad ko iyong pinunas sa kanyang damit.   "Sorry, sorry, di ko sinasadya" sabi ko habang pinupunasan ang damit parte sa may dibdib.   "ALISIN MO YANG KAMAY MO" tiim bagang sambit niya. Matalim na tingin at nangingiwing mga labi ang aking nakita. Walang ano ano ay kusang napatigil ang aking kamay.   "Don't you dare touch me". dugtong niya ulit. Ramdam ko ang paligid na may tensyon na. Nagbubulungan na rin ang mga taong nandoon. At yung iilang lalake na nasa likod niya pailing iling habang nakatingin sa amin. Iisa lang ang nahuhulaan kong ekpresyon nila. At yun ay inis.   Itinaas niya ang kanyang kamay at nilingon ang isang lalake na nasa kanyang likuran. Inabot nito ang isang bottled water. Binuksan at ininum.   "Sorry, hindi ko sinasadya." sabi kong nagpapaumanhin na sinabayan ng pagyuko.   "Do you know how much this shirt cost? Can you afford to buy me this?".   "Papalitan ko na lang o kaya babayaran ko." akmang iaagat ko na ang aking ulo ay bigla nalang akong nakaramdam ng malamig na tubig.   "Ohhh my gad, lagot na siya. Si Vince pa ang nabangga niya" ani ng isang babae.   "Mabuti nga sa kanya. Mukang wala naman siyang alam tungkol kay Vince. Such a loser" ani naman ng isa.   "Ano kayang pakiramdam ng binuhasan ng tubig.. Nakakahiya siya" dugtong naman ng isa".   Habang nakayuko ay narinig ko na lang na tinapon niya yung bote na wala ng laman. Hindi na ako nakapagsalita. Nablanko na ako. At ang tanging nagawa ko lang ay ang pagkuyom ng palad. Dahan dahan kong iniangat ang aking basang ulo at tinignan siya.   Pangisi ngisi at matalim pa rin ang kanyang mata. Sa lahat ng lalakeng walang modo na nakita ko ay siya ang pinakamalala.   "I bought this in France. I want the same style and same color. Is that clear?"   Tumango na lamang ako bilang pagsagot.   "And this shirt is 100,000.00" sabi niya ulit na may pagyayabang.   Ilang segundo akong nakipagtitigan sa kanya. Naghahanap ng salitang sasabihin. Pero ang totoo gusto ko siyang sampalin.   "Staring at me? Are you going to fight back".   Napabuntong hinga na ako saka nagsalita. " Hindi ako pupunta ng France para bumili ng kagaya niyan. Babayaran ko na lang pero hindi pa sa ngayon".   Bigla siyang tumawa at kinuwelyuhan ako. Bagay na mas lalo kong ikinagulat at kinainis. Napatingkayad pa ako dahil sa lakas ng kanyang pagkakahawak.   "BUY FOR ME!" sabi niya sabay bitaw sa pagkakahawak na kamuntikan ko pang ikatumba.   Mukang hindi siya mapapakiusapan. Hindi na ako nagsalita bagkus ay kinuha ko na lang yung basong nasa paanan niya saka binibit yung tray na nasa mesa.   "Hindi ko mapapalitan yang damit mo. Babayaran ko na lang".   "f**k YOU!" singhal niya saka tinabig ang tray sa aking mukha. Sunod sunod na tawanan ang narinig ko kasabay din ang malakas na palakpakan. Mukang masaya pa ang mga taong nandoon na makakita ng binu-bully.   Sa ganitong pagkakataon hindi ako pwedeng lumaban. Ayaw kong makarating sa Amo ko nangyaring ito. Lalo na kay Mina. Kaya imbis na pakipagtalo ay pinulot ko na lang sa sahig yung nagkalat na pagkain, pinggan at baso. Pagkatapos ay pinunasan ko ang aking mukha na may butil ng kanin.   "Vince let's go don't waste your time on her" ani ng lalaking kasama niya.   "Let's go Vince. You need to change your shirt" dugtong din ng isa.   "I'll see you again, make sure you have my shirt pag nagkita ulit tayo." banta niya at humakbang palabas ng cafeteria.   Tingin mo makikipagkita ako sayo?. Siraulo ka ba?. saloobin ko at saglit siyang tinignan na papalabas.   **********************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD