MARB C-2

1125 Words
"Ok class we will have an exam today. Lets see kung nakinig kayo nung last discussion natin." Pasimple akong sumenyas kay Sab na nakatanaw sa labas ng bintana. Payuko akong pumasok sa pinto na nasa likuran. Lalo kong iniyuko ang ulo at dahan dahang pumasok. "Miss?... Miss? Kasama kaba sa klase ko?" Nahinto ako sa paglakad at dahan dahang iniangat ang ulo mula sa pagkakayuko. Di ko naman intensyon na ma late sa klase sadyang maaga lang talaga ang professor na ito kung pumasok. "Sir, sorry po na late ako" paumanhin kong sabi saka yumuko tanda ng pagrespeto. Nabaling ang atensyon sa akin ng mga nandoon at nag bulungan. Kahit mahina ang kanilang boses ay dinig na dinig ko na ako ang kanilang usapan. "She's always late. Hindi ba siya nahihiya? Or she want some attention" "Girl nakakahiya siya" "Oo nga... Hindi niya ba binabasa ang student handbook. This is a university. Hindi lang basta university this is a prestige school.but she didnt take it seriously". Sanay na ako makarinig ng ganitong klaseng pananalita. Maganda na din dahil papasok lang naman ito sa kabilang tenga ko at labas naman doon sa kabila. Sino ba sila hindi naman nila ako kilala. "Quiet class" saway ng professor na nasa harapan. Natigil ang mga iilan na nagbubulungan.  Nakayuko pa rin ako at naghihintay kung anong parusa ang kapalit ng pagiging late. "Miss this is the last time na male-late ka. Your the same person na nalate sa klase last time. Am I right?".  Iniangat ko ang ulo at tumango sa matandang lalake. Mahahalata na may edad ito dahil sa kulay puti nitong buhok at puting bigote.  "Opo sir" "You may now seat" tumayo ito at kinuha ang eraser. Binura ang mga notes na nasa blackboard at nag umpisang mag sulat. Ako naman ay umupo na sa tabi ni sab. Bumulong agad ito sa akin at iniabot ang notes na kanyang hawak. "Nakapag review kaba? May exam daw tayo. Heto tignan mo muna yung notes ko" Umiling iling ako saka kumuha ng papel at ballpen sa aking bag. "Hindi masyado. May naalala naman ako sa lesson kahit papaano". "Ok class. You need get a score of 8. Below on 8 will be having a project." Ani ng prof.  "Good luck" bulong ni sab ako naman ay ngumiti lang.   ************************** "Ano ba yan Sir.. Isang puntos lang eh hindi niya pa tinanggap..." pasubsob na yumuko si sab sa kanyang desk. Halata ang dismaya nang malaman kasama siya sa gagawa ng special project. "Ok lang yan Sab. Madali naman yung pinapagawa niya." sabi ko at tinapik siya sa balikat.  "Buti ka pa nakapasa at na perfect mo pa yung exam. Magtataka paba ako eh lahat yata ng exam natin na perfect mo".   "Sab... Ganito na lang tutulungan na lang kita sa special project na gagawin mo"   "Talaga Levi?" paniniguro nito saka ngumiti.   "Oo nga" sagot ko habang tumatango.   "Eh bakit mo naisipan? hindi ba nakakaabala sayo? marami ka nang ginagawa eh-----"   "Ok lang Sab. Ituring mo na lang na pasasalamat ko sayo ito. Simula kasi nung unang pasok natin ikaw lang kumakausap sa akin. Ikaw lang ang kakilala ko talaga sila hindi" pasimple akong lumingon sa mga kaklase naming abala sa kani-kanilang ginagawa.   "Ahhh na gets kita.. mga sosyalen kasi itong mga klasmyt natin. Hindi in sa kanila pag hindi imported o hindi orihinal ang gamit. Hindi nila accepted pag di mayaman. Ayaw ko din naman sa kanila. " sagot nitong napalingon din sa mga klasmyt naming nandoon.   "Mayaman ka rin naman Sab."   "Ang parents ko ang mayaman Not me." sagot niyang ngumiti nang pilit.   Pag ngiti na lang ang sinagot ko kay Sab. Sa lahat ng klasmyt ko ay siya lang ang nakikipag-usap sa akin. May pag ka madaldal siya kaya siguro ay napalagay agad ang loob ko.   "Teka levi nabalitaan mo ba yung tungkol sa anak nang may ari ng University na tuh?"   "Bakit? hindi" sagot ko at Kinuha ang libro sa aking bag. Binuklat ko iyon at binasa ang mga naka highlight na sentence.   "Ang usap usapan eh siya daw ang mag-ma-manage nitong university. At ang nakakaloka ay super handsome daw niya." pabulong siyang humagikgik at halata ng kilig.    "Ganun ba" sagot kong nakatuon pa rin ang tingin sa libro.   "Ganyan lang reaksyon mo? sabagay hindi mo pa pala siya nakikita" ani ni Sab.   "Sab. Tao din siya kagaya natin. Wala namang iba sa kanya."   "Levi super gwapo niya. Mukha kaya siyang anghel,"   "Nakita mo na ba siya?" tanong ko at nilingon siya saglit tapos ay bumalik ulit sa pagbabasa ng libro.   "Isang beses pa lang nung pumunta siya rito. Nakasalubong ko siya doon sa hallway. Oo nga pala nagpunta siya dito. Hindi mo ba alam yun? Nung nakaraang buwan lang".   "Ahh.. hindi eh."   "Naku levi nung nakita ko siya kulang nalang yata matanggal yung puso ko sa sobrang lakas ng kaba. Mukha siyang anghel tapos naka smile siya. Hindi siya suplado." Napataas ang kilay ko nang yakapin niya ang kanyang notebook na para bang yun ang lalaking kanyang tinutukoy.   "Sab?..."    Bahagya niya akong tinapik sa balikat saka ngumiti. "Levi may asawa na kaya siya o baka naman may girlfriend kasi kung wala hahabulin ko talaga siya"   "Sab mag aral na tayo may exam pa tayo sa next subject natin"    "Levi tingin magugustuhan niya ako?"    Umiling iling na lang ako saka ngumiti. "Oo naman at mas lalo ka niyang magugustuhan kung mag aaral ka nang mabuti."   "Levi naman eh seryoso ako"   "Seryoso din ako". sagot ko na lumingon sa may pinto. Ganoon din si Sab. Bigla na lang siyang humawak sa kamay ko at pinisil iyon ng mahigpit.   Napaseryoso ako ng tingin nang makita ang lalaking papasok. Mukang ako ulit ang sadya niya at hindi nga ako nagkamali dahil nasa harap na namin siya ni Sab. May mga iilan siyang kasama at ang iba doon ay babae. Napatili pa ang ibang klasmyt namin ng siya ay makita.   "Is it Vince?" tanong ng isang babae.   "Oo siya yan!" ani naman ng isa.   "Vince Gabriel Valdemar?.. Tama siya nga!" sambit namin ng isa kasunod nun ang malakas na tilian.   Saglit kaming nagkatinginan ni Sab at maya maya pa ay nagsalit na ang lalaking nasa harap namin.   "Do you remember me?" ani ng lalaki. Itinaas niya ang kamay senyales na tumahimik ang mga nandoon.   Tinignan ko lang siya at muling binalik ang atensyon ko sa pagbabasa ng libro. Kahit hindi niya ako tanungin ay kilala ko siya. Kilalang kilala. Hindi ko makakalimutan ang ginawa niya nung nasa cafeteria ako. Mayabang at arogante na akala niya'y sinasamba siya ng lahat.   "Do you hear me? o baka naman bingi ka"   "Ano bang!----" sabat ni Sab na nahawakan ko agad ang kamay dahilan para matigil siya pagsasalita.   "Sab," pigil ko at ngumiti kay Sab.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD